Pinoy sa Australya sabik na sa pagdating ng manga mula sa Pilipinas

Architect Ernette Tabalina and Philippine Mango.jpg

Ang pagpasok ng Philippine Mango sa Australia ay makakatulong sa ekonomiya ng bansa at palatandaan ng sumisiglang relasyon at pakikipagkalakalan ng dalawang bansa. Source: Ernette Tabalina/Terimakasih0/Pixabay

Aminado ang Philippine Trade Investment Centre o PTIC na may kamahalan ang presyo ng unang shipment ng manga mula Pilipinas na darating sa Australia. Pero handang gumastos ng ilang kababayan tulad ni Architect Ernette Tabalina para matikman lang ang manga mula sa Pilipinas, lalo't paborito itong panghimagas ng kanilang pamilya.


Key Points
  • Ayon kay Alma F. Argayoso ang Consul Commercial at Special Trade Representative mula sa Philippine Trade and Investment Centre, hindi lang manga ang kanilang sinisikap na ipasok sa Australia.
  • Sinabi ni Philippine Ambassador Hellen De La Vega ang pagpasok ng manga sa dito sa Australya ay magandang palatandaan sa mas sumisiglang relasyon at pakikipagkalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Australya.
  • Ang Carabao mango, o kilalang Manila o Philippine mango ay nailista noong 1995 sa Guiness Book of World records sa pinakamatamis at masarap na manga sa buong mundo.

PAKINNGAN ANG PODCAST
filipino_27062023_Carabaomangotoarriveaustralia.mp3 image

Pinoy sa Australya sabik na sa pagdating ng manga mula sa Pilipinas

SBS Filipino

06:43

Share