PM Anthony Albanese, nangako ng positibong kampanya sa eleksyon sa gitna ng isyu ng kaligtasan at dibisyon

Perth Candidates Campaign Ahead Of Federal Election

PERTH, AUSTRALIA - MAY 18: A general view of a Voting Centre on May 18, 2022 in Perth, Australia. The Australian federal election will be held on Saturday 21 May 2022. (Photo by Matt Jelonek/Getty Images) Credit: Matt Jelonek/Getty Images

Sa papalapit na pampederal na eleksyon, lumalabas ngayon ang mga isyu ng kaligtasan sa komunidad, dibisyon at pagbagsak ng social cohesion. Ayon sa mga tagapagtaguyod, ramdam ng mga migrante at refugee ang dibisyon at takot sila na maranasan ang mga epekto nito sa eleksyon.


KEY POINTS
  • Nangako si Prime Minister Anthony Albanese na magpapatakbo ng positibong kampanya pagdating ng eleksyon.
  • Lumabas ang mga alala sa social cohesion report na ginawa ng Scanlon Foundation Research Institute. Mina-map ng grupo ang social cohesion sa Australia simula 2009 at ang score nito ay 78 sa pinakabagong ulat. Ito ang pinakamababang score ng bansa simula nang ginawa ang survey.
  • Malinaw din sa ulat na ang kaguluhan sa Middle East ay nagdulot ng mas maraming presyur. 34% ng mga Australyano ang nagsabing may negatibong pananaw sila sa mga Muslim at 13% ang nagsabing may negatibong pananaw sila sa mga Jewish.
PAKINGGAN ANG PODCAST
social cohesion rnf image

PM Anthony Albanese, nangako ng positibong kampanya sa eleksyon sa gitna ng isyu ng kaligtasan at dibisyon

SBS Filipino

04/03/202506:14

Share