KEY POINTS
- Pinanganak si Jorge Mario Bergoglio noong December 17, 1936 sa Argentina. Anak siya ng mga Italyanong migrante at nalampasan niya ang sakit na pneumonia sa edad na 21 taong gulang. Natapos niya ang kursong chemistry bago magdesisyong maging pari.
- Sa edad na 76, pinangalanan siyang ika-266 na pinuno ng simbahan at ginamit ang pangalang Pope Francis. Siya din ang unang Catholic leader na napili mula sa Amerika o ng Jesuit order at kaagarang kinilala bilang 'the people's pope'.
- Ipinatupad ng Santo Papa ang pinakamalawak na reporma sa simbahan sa loob ng ilang dekada, kabilang ang pagpapataw ng parusa sa mga pari na sangkot sa grooming sa ilalim ng batas ng simbahan, at ang pag-alis sa mga patakaran ng paglilihim na matagal nang nagkukubli sa mga kaso ng sekswal na pang-aabuso.
LISTEN TO THE PODCAST

Pope Francis hindi lang mapagkumbaba at maawain, nakilala din dahil sa istilo ng pamumuno
SBS Filipino
08:58
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on and and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit or stream on , , , and