Sa aming panayam sa isang negosyante sa Cairns, halos lahat ng kaniyang produkto ay mula sa Pilipinas.
Ngayong nasa mahigit 30,000 katao na ang tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas hindi umano niya alam kung hanggang kailan siya maaring umangkat ng produkto.
Ilan kasi sa mga lugar sa Pilipinas ay nasa ilalim ng lockdown, tigil ang operasyon ng mga kumpanya.
Highlights
- Suplay ng mga produktong Pinoy sa mga Filipino stores, nagkakaubusan na
- Mga panaderya, balik sa normal ang sitwasyon
- Aquarium fish business, patok ngayong panahon ng pandemic
Pagtaas ng presyo ng ilang mga produktong Pinoy
Bunsod ng nasabing lockdown, tumaas din ang cost price ng mga produktong Pilipino sa Sydney, hindi tuloy maiwasan na itaas ang presyo ng ilang produkto.
Halimbawa ng spaghetti sauce na dating $4 .95 ngayon nasa $6 na ang isa.
Ang katamtamang laki ng peanut butter dating $7.95 ngayon $9.95 na.
Sa mga namimiss naman ang mga saging na saba o turon hanggan ngayon ay wala pa ring suplay tinatayang nasa mahigit tatlong buwan na.
Aniya may dumating ding balita na hindi na umano muna magsusuplay ng ilang mga produktong Pilipino mula Sydney.
Sa madaling salita, wala na munang interstate delivery ito ay marahil bunsod na rin ng dumadaming kaso ng COVID-19 sa New South Wales.
Mga tinapay na patok sa mga Pinoy
Samantala namimiss nio na ba ang mga Pinoy tinapay?
Pandecoco, pandesal, spanish bread, cheese bread, monay at mga hopia?
Nakausap namin ang isang panaderong Pilipino. Kung dati nagpapanic sila dahil sa nagkaka-ubusan na ng suplay ng harina sa mga supermarket dito sa Australia, ngayon balik na sa normal ang sitwasyon.
Hindi umano gaanong apektado ang kanilang negosyo dahil lokal na harina at asukal ang kanilang gamit at hindi na kailangan mag import pa sa ibang bansa.
Malaking tulong din umano ang $10,000 na ayuda sa kanila ng gobyerno, pero karamihan doon ay napunta sa pagbili ng mga gamit tulad ng dishwasher at eftpos machine dahilan sa nilimitahan ang paggamit ng cash sa mga tindahan, kasama ang mga hand sanitiser at wipes.
Mga patok na negosyo
Isa naman sa pumatok na negosyo ngayong mga nagdaang buwan ay ang aquarium fish business na aming binisita.
Marami kasing trabaho ang pansamantalang natigil, kaya pinagkaabalahan ay ang pag-aalaga ng mga isda.
Pero nangangamba rin ang mga negosyante dahil sa posibilidad na maapektuhan ang suplay ng kanilang produkto.
BASAHIN O PAKINGGAN DIN