Pwede bang ipasalubong ang sibuyas sa Pilipinas?

pexels-michael-burrows-7129153.jpg

The Philippine Bureau of Customs answered the question of some Filipinos abroad if they can bring onions to the country amid high prices. Credit: Pexels / Michael Burrows

Dahilan sa sobrang taas ng presyo ng sibuyas sa Pilipinas, marami ang nag-iisip na ipasalubong ito sa halip na magpadala ng tsokolate at iba pang karaniwang ipinapasalubong sa mga kamag-anak. Kaya naman sinagot ng Bureau of Customs ang tanong ng ilang Pinoy sa abroad kung pwede nga ba magdala ng sibuyas pagpunta ng Pilipinas.


Key Points
  • Naglalaro ang presyo ng sibuyas sa Pilipinas sa humigit kumulang P500 kada kilo nitong mga nakaraang araw na mas mataas pa sa presyo ng karne.
  • Ilang Pinoy na nasa abroad gaya ni ‘Pablo’ sa Australia ang nagplaplanong mag-uwi ng sibuyas bilang pasalubong.
  • Ayon sa Facebook post ng Bureau of Customs NAIA, hindi maaring magdala ang mga byahero mula sa ibang bansa ng mga gulay kahit gaano pa ito kadami sa Pilipinas ng walang kinakailangang Plant Quarantine Clearance para sa personal use o Sanitary and Phytosanitary Import Clearance para naman commercial use mula sa Bureau of Plant Industry.
PAKINGGAN ANG ULAT:
Pwede bang gawing pasalubong ang sibuyas sa Pilipinas? image

Pwede bang ipasalubong ang sibuyas sa Pilipinas?

SBS Filipino

04:18

Share