Kulang ang handaan kung walang pansit sa hapag kainan. Kaya naman tuwing may pa-fiesta, birthday, binyag o kahit anong selebrasyon, malalaking kawa ng nito ang unang mapapansin na pinagtutulungan lutuin ng magkakapitbahay.
Bukod sa mabilis gawin, “Long Life” daw ang hatid nito sa mga kakain.
May pansit canton, pansit palabok, pansit habhab, bihon, sotanghon, guisado, lomi, luglog, langlang at iba pa.
Pero wala daw tatalo sa paboritong pansit ng mga taga- Malabon!
"Lumaki ako na may payabangan na like 'Yung pansit ng lola ko ay mas masarap sa pansit ng lola mo.' This is the first thing that I remember eating na gawa ng lola ko and this is the best dish."
Pancit Malabon

Source: Chibog West Footscray
Laking Malabon, sa Maynila ang 32-year-old na si Janine Barican-Le. 17 Taon gulang pa lang nang makarating sya Australia. Nagtrabaho sya bilang nurse pero ngayon ay may-ari na sya ng isang Filipino restaurant sa Melbourne.
Sa dami daw ng mga lutuing Pinoy na kanilang inihahain, number one na simula ng kwentuhan ang pansit.
"It's a conversation starter. When someone asked kung taga-saan ka sa Philippines and when I say I'm from Malabon that's where you'll have Pancit Malabon and it gets the conversation going"
Sino ba naming makakalimot sa lasa ng rice noodles na may yellow-orange na sarsa na umaapaw sa toppings tulad ng sari-saring seafood, chicharron, tinapa, itlog at toasted garlic!
Malapit kasi sa fish market at bagsakan ng seafood o fish port sa Navotas ang Malabon. Kaya hindi mahirap humanap ng sahog.
Pagdating dito sa Australia, kanya-kanya na rin ng version.
The love for Filipino Food
Walong taong naging Nurse si Janine, pero naging mas matimbang sa kanya ang hilig nya sa pagkain at pagnenegosyo.
Ang pagmamahal sa pagkaing Pinoy ang nagtulak sa kanya para itayo ang Chibog. Sa ganitong paraan, mas madaling naipapakilala ang mga pagkaing hindi pa natitikman ng ibang lahi.
"I really wanted Chibog to happen. Gusto ko lang talaga for me to be proud and to look back in my life na I did something that I was very happy and I was very proud of."
Higit isang taon pa lang ang kanyang restaurant. Ni-launch nila ito bago nagsimula ang pandemic kaya naging malaking pagsubok kay Janine ang pagtupad sa kanyang goal na mas ipakilala ang Filipino Food.

Source: Janine Barican-Le
"Gusto namin na maexplain sa customer yung food like we'll walk them through every dish. We'll try to explain to them what bagoong is, what Kare-kare is and how to eat it. PEro dahil closed kami for dine-in hindi namin yun nagawa and it wouldn't be the same experience when you do take-aways."
"Pero the locals and everyone who supported us during the lockdown really helped us to be able to still be open right now"
Bukod sa pansit, sisig at kare kare… ang kwentong hatid ng bawat putahe ay nakakatulong para maengganyo ang mas maraming suki.
Ngayong Filipino Food Month, may tips si Janine para mas mabigyan pansin ang pagkaing Pinoy.

What makes Filipino food unique is that our traditional dishes have been inspired by ingredients and flavours from many different cultures. Source: Chibog West Footscray
"We eat with our eyes, so for me, plating is very important. We're making sure that our food looks nice and taste nice as well."
"Educating customers na this is how Filipino food is, yung influences ng Spanish, American and dapat very knowledgeable tayo in a way na it's very inviting."
Nakakamiss ang mga lutuing kinalakihan natin. Kaya masarap namnamin ang mga pagkaing nagdadala ng mga ala-ala ng pamilya sa hapagkainan.
Kaya para kay Janine at sa iba pang Pinoy foodie sa Australia, mahalagang ipagmalaki ang mga pagkaing tatak Pinoy at ang lasang hindi mo mahahanap sa iba.
Sa selebrasyong ito, mas marami pang kwento ng Lutong Pilipino ang aming ihahatid sa bawat linggo.
BASAHIN DIN