Key Points
- Ayon sa Roy Morgan poll na inilabas nitong October 5 na sinasabing 46 per cent ang boboto ng No at 37 per cent ang boboto ng Yes. Habang 17 per cent pa ang undecided.
- Sinasamantala na ng ilang Filipino-Australians ang natitirang panahon bago ang botohan para pag-isipan ang ilalagay sa balota sa ika-14 ng Oktubre.
- Inaasahang lalabas agad ang resulta ng botohan sa Sabado ng gabi.
Sa Sabado, ika 14 ng Oktubre na ang araw ng botohan. May ilang araw pa para magsaliksik ang ilang mga botante bago ibigay ang mahalagang sagot sa tanong kung papayag silang baguhin ang Saligang Batas ng bansa para kilalanin at bigyan ng Boses ang First Nation people ng Australia sa pamamagitan ng Aboriginal and Torres Strait Islander Voice.
Sa mga naghahanap ng komprehensibong ulat at impormasyon tungkol sa 2023 Indigenous Voice to Parliament referendum mula sa SBS Network, kasama ang pananaw ng First Nations sa NITV. Bisitahin ang SBS Voice Referendum portal para sa mga artikulo, videos at podcasts na isinalin sa 60 wika. Maari din mapanood ng libre ang mga balita, analysis, docos at entertainment sa Voice Referendum hub sa SBS On Demand.