SBS Examines: Ano ang epekto ng artificial intelligence sa eleksyon sa buong mundo?

Factchequado.png

This TikTok account uses an avatar to spread misinformation about US immigration issues in Spanish. Credit: Source: Factchequeado

Mula sa pagbuo ng pekeng 'Communist Kamala' hanggang sa Bollywood endorsements, malaki ang ginampanang papel ng artificial intelligence at disinformation sa halalan sa iba't ibang bansa noong nakaraang taon.


Sa unang pagkakataon, ginamit ang mga AI-generated na teksto, video, larawan, at audio sa mga kampanyang pampulitika.

Sa India, lumabas sa social media feed ng mga botante ang deepfakes ng Bollywood actors na tila sumusuporta sa mga partidong pampulitika.

Ayon kay Pamposh Raina, pinuno ng Deepfakes Analysis Unit (DAU): "Their audio was manipulated, in some cases completely changed from what they said in the original video to make it seem they were endorsing a particular party when that was not necessarily the case."
LISTEN TO
SBS Examines - AI Impact 0303.mp3 image

SBS Examines: Ano ang epekto ng artificial intelligence sa eleksyon sa buong mundo?

SBS Filipino

02/03/202506:56
Samantala, sa Amerika, isang AI-generated na larawan ni Kamala Harris na nakasuot bilang isang opisyal ng Soviet ang malawakang kumalat, lalo na sa mga botanteng Latino.

Ayon kay Ana Marìa Carrano, Managing Editor ng Factchequeado: "In the case of the Hispanic community, many people from Latin America have a very different relationship with authoritarian regimes. So there is a different experience and rejection about that kind of association."

Sa SBS Examines episode na ito, pinag-usapan ang epekto ng AI-generated disinformation sa kanilang mga halalan tulad ng India at Estados Unidos.

Share