Ang mga ulat ng insidente at pag-atake sa mga Hudyo sa Australia ay higit sa tatlong beses na tumaas sa nakaraang taon, ayon sa Executive Council of Australian Jewry (ECAJ).
Sinabi ni Co-CEO Alex Rycvhin na ang komunidad ng mga Hudyo ay nakakaranas ng "mas maraming pang-aabuso."
Unquestionably, it's here, it's real, and it's reached levels that we really have never seen in this country before.
Si Sarah Bendetsky ay lumaki sa Russia, kung saan sinabi niyang nakaranas siya ng antisemitism noong siya ay bata pa. Ikinuwento niya sa SBS Examines na hindi niya ito naranasan sa Australia hanggang kamakailan.
"After the 7th of October [2023], the whole anti-Israel rhetoric turned into being an anti-Jewish rhetoric, right in our backyard."
Sinabi niya na ang kanyang anak na dalagita ay nilapitan ng isang tao habang papunta sa paaralan, na "sumigaw ng 'heil Hitler' kasabay ng Nazi salute."
Si Sarah ay namamahala ng Souper Kitchen, isang food security charity na nagbibigay ng pagkain para sa mga nangangailangan sa Melbourne.
Sinabi niyang tinusok ang mga gulong ng kanilang food truck kinagabihan at anu-anong mga masasakit na salita ang natatanggap nila sa online.
Ang episode na ito ay mula sa SBS Examines tungkol sa antisemitism sa Australia.
More content:
SBS Examines sa wikang Filipino