Key Points
- Sa pagpanaw ni Pope Francis noong Abril 21, kailangang pumili ng Simbahang Katolika ng bagong lider nito.
- Bukas ang conclave para sa lahat ng mga cardinal na wala pang 80 anyos. Mayroong 135 cardinal na karapat-dapat na pumili ng susunod na Santo Papa.
- Kabilang sa mga cardinal ang tatlong Pilipino - Cardinal Luis Tagle, Jose Advincula ng Manila, at Pablo Virgilio David ng Kalookan, ganundin sina Italian Cardinal Pietro Parolin, Ghanaian Peter Turkson, Hungarian Peter Erdo at Ukrainian-Australian Mykola Bychok.
LISTEN TO

Sino ang posibleng pumalit kay Pope Francis? Pilipinong cardinal at mga hinuhulaang kandidato para maging lider ng Simbahang Katolika
SBS Filipino
11:58
Isa ang Pilipinas sa may pinakamaraming bilang ng mga Katoliko sa buong mundo. Tinatayang 85 milyon o higit 78 % ng populasyon ay mga Romano Katoliko, ayon sa tala ng Philippine Statistics Authority.
Sa 133 na cardinal na kasama sa mga boboto at pagpipilian na posibleng maging Papa, tatlo sa mga ito ay Pilipino.
Sila ay sina Cardinal Luis Tagle na Pro-Prefect for the Section of First Evangelization of the Dicastery for Evangelization, Jose Advincula ng Manila, at Pablo Virgilio David ng Kalookan.
Maugong ang pangalan ni Cardinal Tagle sa mga posibleng kandidato para sa pagka-Papa, ganundin sina Italian Cardinal Pietro Parolin, Ghanaian Peter Turkson, Hungarian Peter Erdo at Ukrainian-Australian Mykola Bychok.

The College of Cardinals will convene in conclave set to start on May 7, 2025. Source: AP / AP Photo/Gregorio Borgia/AAP Image
Hindi lamang malaking balita ito para sa Pilipinas kundi para sa buong Asya, sa tingin ng community leader at church volunteer mula Sydney na si Violi Calvert.
"I think it will send out a huge message to the whole of Asia - that you don't have to be from the West or the Anglo-Saxon countries to be in an important position in our church," ani Violi.
Sa pananaw naman ng taga-Brisbane, Queensland na si Xavier Tilos Villagonzalo, kung mapili si Cardinal Tagle, ito ay pagpapatuloy ng legasiya ni Pope Francis lalo na at tinagurian ang cardinal bilang “Asian Francis”.
"If ever it happens, he will be the first Pope who will come from Asia... and that would be perfect timing as the next World Youth Day will be happening in Seoul, South Korea in 2027," anang Queenslander.

FILE - Cardinals Luis Antonio Tagle, of the Philippines, left, and Peter Kodwo Appiah Turkson, of Nigeria, are among the popular names as possible contenders for the Papacy as speculated by experts. Source: AP / AP Photo/Andrew Medichini/AAP Image
"Whether it is Cardinal Tagle from the Philippines or another country, whether they're Italian or non-Italian, I hope the cardinals will be guided by the Holy Spirit to decide who the next Pope will be."
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on and and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit or stream on , , , and