Highlights
- Ang untraviolet radiation mula sa araw ay nakakasira sa DNA ng skin cells, kapag sumobra ang pagbibilad sa araw dito na nagsisimula ang paglabas ng abnormal cell kaya nagiging cancer.
- Ang Australia ay nasa Southern hemisphere, kapag umiikot ang mundo sa araw, malapit ito sa sikat ng araw kumpara sa ibang bansa kaya kung tag-araw, nagiging mas mainit ito .
- Mga eksperto patuloy ang pagpayo na magsuot ng protective clothing o light coloured long sleeves , sombrero, magdala ng payong at sunnies higit sa lahat maglagay ng sunscreen.
Ramdam ni Cristiane Holman-Lee mula Italy ang tindi ng sikat ng araw sa Australia. Kaya nang manirahan ito sa Brisbane walong taon na ang nakakaraan, sabi nito parang mas tumatagos sa balat ang sikat ng araw dito kaysa Italy kaya hindi ito nabibilad sa araw.
"Kompara sa Italy matindi ang sikat ng araw Australia parang tumatagos sa buto. Kaya hindi ako nagbibilad sa araw, gumagamit ako ang payong at nasa lilim lang ako kapag nag-exercise, " kwento ni Cristiane."

Source: Getty Images/Peter M. Fisher
Ayon sa Australian Bureau of Statistics sa taong 2017 hanggang 2018, halus isa sa tatlong indibidwal dito sa bansa ay may skin cancer.
Ang tanong tuloy, ano ba ang dahilan bakit mataas ang kaso ng skin cancer dito sa bansa ?
Paliwanag ni David Whiteman isang Group Leader sa Cancer Control Group at kasalukuyang Deputy Director of QIMR Berghofer Medical Research Institute, maraming dahilan ang mataas na kaso ng skin cancer dito.
“Nasa Southern Hemisphere ang Australia nasa fairly low latitudes, kay mas matindi ang sikat ng araw na ating nakukuha kaysa Europe, Northern Asia. Kaya mas mataas ang UV radiation nakukuha natin."
Isa na dito malapit sa araw ang Australia sa panahon ng tag-araw dahil umiikot ang mundo sa araw.

Source: Getty Images/maps4media
“Dahil nasa Southern Hemisphere ang Australia, kapag umiikot na ang mundo sa araw at tag-araw dito, mas malapit na tayo sa araw kaya mas mainit dito, kumpara sa bansa sa Northern hemisphere, malayo sila sa araw.
Saad din ni Professor Whiteman, isang malaking hamon para sa mga Australians dahil karamihan sa kanila ang balat ay mapuputi at hindi ito bagay sa tindi ng sikat ng araw dito sa bansa.
“Ang totoo ang mga tao dito sa Australia ay karamihan ang pinanggagalingan ay sa Europe kaya mapuputi ang balat at ang skin tone na ito ay hindi angkop para sa maiinit na lugar gaya ng Australia."
Dagdag paliwanag naman ni Dr. Ahmad Hasanien isang General Practitioner sa Sydney na eksperto sa skin cancer.
Ang sobra-sobrang exposure sa ultraviolet (UV) radiation mula sa araw ay nagiging sanhi ng pagkasira ng Deoxyribonucleic acid o DNA ng skin cells .
“Kapag ang ultraviolet radiation ay tumama sa balat ng tao, sisimulan nitong baguhin ang DNA ng skin cells ung balat mismo ng tao.Kapag sobra o araw-araw kang bilad sa araw magsisimula ang cancer."
Paalala ni Dr. Hasanien, kapag hindi ito maayos ng natural, sa internal DNA repair mechanism ng katawan ng tao, ito ang magiging triggering factor para tumubo ang abnormal cells na sa kalaunan ay magiging cancer.
Dapat umanong tandan ang UV Index dito sa Australia kapag tag-araw ay sobra ang taas, at kapag hindi protektado ang balat, magiging sanhi ito ng problema sa hinaharap.
“Dito sa Australia normal na ang UV index ay 12-14, kung posible huwag ilabas ang mga bata lalo mula 8-4:30 PM. Kapag winter ang UV Index ay 3-4, pwede ilabas ang mga bata pero dapat limitado."
Hinikayat din ni Paige Preston ang pinuno ng Skin Cancer Committee sa Cancer Council Australia. Dapat tingnan ang UV levels bago lumabas ng bahay, at sa iyong destinasyon gamit ang Sunsmart App o kaya i-check ang website ng Bureau of Meteorology.
“Dapat sa mga andito sa Australia, gawin ang lahat ng pag-iingat o sun protection kapag ang UV level ay 3. Magsuot ng long sleeve, sombrero, magdala ng payong at sunnies at maglagay ng sunscreen."
May pahabol din si Dr. Whiteman para sa mga indibidwal na may skin tone na kayumanggi o medyo maitim. Ang pagkakaroon ng ganitong skin tone o balat ay nangangahulugan na maraming melanin na syang nagbibigay proteksyon sa balat laban sa pagkasira ng DNA ng skin cells.

Source: Getty Images/Elizabeth Fernandez
“Ang pagkakaroon ng kaumanggi o medyo maitim na balat ay nagbibigay proteksyon laban sa skin cancer, dahil ang melanin pigment na ito ang humaharang ng UV rays at para hindi masira ang DNA ng skin cells."
Subalit hindi ngangangahulugan na ang may kayumanggi o medyo maitim ang kulay ng balat ay hindi tinatablan ng skin cancer.
Katunayan sabi ni Dr Hasanien, karamihan sa kanyang mga pasyente na may skin cancer ay may mga kayumanggi at mga medyo maiitim na balat. Kaya payo nito ugaliing protektado ang balat o maging sun-smart.
"Ang ultraviolet radiation ay mapanganib na sanhi ng skin cancer, para sa mapuputi, kayumanggi at maiitim ang balat. Hindi ibig sabihin maitim ang balat mo safe ka, lahat pwede magka-skin cancer."
Sabi din ni Paige Preston ng Cancer Council Australia, mali din na hindi magpapakita sa sikat araw, dahil magiging sanhi ito ng vitamin D deficiency lalo na silang mga hindi mapuputi ang balat.

Source: Getty Images/Peter Cade
Kaya payo nito, dapat komunsulta sa GP o doktor para mabigyan ng vitamin D supplement, kaysa sobrang pagbibilad sa araw.
“ Kung ayaw mong ma-expose sa araw dahil sa takot na magka-skin cancer o kaya sa religious belief kailangan nakatalukbong palabi, komunsulta sa GP o doktor para bigyan ng vitamin D supplement."
May babala naman ang mga eksperto sa mga nagpapa-tan, o sobrang nagbibilad sa araw para umitim ang balat, dahil sa paniniwalang nagbibigay ito ng proteksyon laban sa UV radiaton. Ang totoo ang pagpapa-tan ay nagiging dahilan ng matinding pagkasira ng DNA ng balat.
“Ang tanning o pagpapapaitim, sa pamamagitan ng pagbibilad sa sikat ng araw ay hindi tama. Dahil nasisira na ang skin cells, hindi ito makapagbigay ng proteksyon sa balat, nasisira na nito ang DNA ng skin cells."