Paano nga ba madadala ang magulang at kaanak dito sa Australia sa pamamagitan ng Family stream visas

Older woman embracing younger woman

Source: Jasmin Merdan/Getty Images

Ang paglipat ng magkakapamilya dito sa bansang Australia ang isa sa dahilan ng pagdating ng maraming migrante dito sa bansa. Kaya bawat taon, maraming migrants ang umaasang sana’y makasama na nila ang kanilang pamilya mula sa ibang bansa. Kaya alamin natin ang mga paraan para muling makapiliing ng mga Australians ang kanilang mahal sa buhay dito sa tinawag nilang bagong tahanan sa pamamagitan ng family stream visas.


Highlights
  • Ang partner visa application ay dadaan sa masusing pagsisiyasat ng Department of Home Affairs para masegurong totoo ang relasyon.
  • Ang Parents visa application ay dadaan sa balance of family test. Dapat ang karamihan o kalahating bilang ng mga anak ay nasa Australia, citizen o permanent resident.
  • Sa child migration, kadalasan ang mga anak ay kasama sa parents' visa application pero kung ang anak ng partners' visa applicant ay nasa ibang bansa , may option ito para makuha ang anak pwedeng sa pamamagitan ng Child visa, Orphan relative visa at Adoption visa.
Inilabas na ang 2021-2022 Migration Program planning, at aabot sa 160,000 ang tataggaping visa applicants para makapasok dito sa bansa, kalahati nito ay para sa Family Stream. Sa 77,300, 72,300 ang partner visa, 4500 ang parent visa at 500 naman para sa ibang Family Stream visas. Sabi ng Principal Solicitor ng Visa Plan na si James Bae, qualified para sa partner stream visa silang kasal o nagsasama na sa isang bubong kasama ang isang Australian citizen o permanent resident.

"Tinatayang nasa $7,800 ang partner visa applications; pag may health check dagdagan ng $300, depende sa ilang bansa ang pinaglilipat-lipatan. Generally speaking, ang permanent visa grant ay nasa 3 to 4 years simula nang ito ay ma-lodge," paliwanag ni Mr. Bae.

At may babala si Mr Bae, dahil dadaan sa butas ng karayom ang mga papel ng aplikante sa Department of Home Affairs, nang masegurong tunay at hindi peke ang relasyon.

"Masusing sinisiyasat ng Immigration Department ang application, higit pa sa photos at joint bank statements, dapat maipakita na kayo ay talagang magkasama."

Dagdag ng Immigration Lawyer ng VisaEnvoy na si Ben Watt, na May mga pagkakataong ang mga aplikante ng partner visa ay pwedeng diretso na ng permanent residency ang status. Pero kadalasan ang proseso ay dadaan sa dalawang stage, kahit dito o sa labas ng bansa nag-apply ng visa.

"Para magdesisyon silang i-process nila agad ang PR nyo, dapat may relasyon at magkasama na kayo for 3 years or  nagsama kayo for 2 years at may anak kayo."

"pero kung hindi naman nagsama ng ganun, dadaan sa normal na processing pag-lodge ng visa, 12-24 months saka nila babalikan at titingnan kung magkasama pa kayo then saka i-process yong permanent residency." 

Para naman sa gustong dalhin dito sa Australia ang mga magulang sabi ni Mr. Bae, una dapat malaman kung mas mabigat ba ang kaugnayan nito sa bansang Australia o yong tinatawag na balance of family test. Pasok sa test silang mga magulang na ang karamihan o kalahating bilang ng mga anak ay nasa Australia, citizen man o permanent resident.

"Mayroong 7 types of parent visas, para malaman kung qualified dapat mga factors na isa-alang alang gaya ng balance of family members, edad at  financial abilities," dagdag ni Mr. Bae. 

Kapag hindi pasado sa balance of family test, pwedeng i-apply ang Sponsored Parent (Temporary) Visa Subclass 870. Maaring ipagkaloob ang tatlo hanggang limang taong visa. Dahil medyo mahal ang bayad sa visa na ito, pwedeng bayaran ng instalments.

“para sa  Subclass 870, ang application charge ay $1,000 at para makakuha ng  three-year visa dapat may $4,000 on top of that,  dapat mabayaran  pagkatapos ng processing."

"So, may total of $5,000, at pwede nang andito na sa Australia ang magulang mo for 3 years. At ang base application charge para sa  5-year , ay  $1,000 again, at pangalawa payable bago ma-grant ang visa ay $9,000.”

Kapag pasado naman sa balance of family test, may 6 na visa option na pwedeng applyan onshore o offshore. Ang dalawang Permanent Contributory Parent Visa ay nagkakahalaga ng $48,000 ang bawat magulang. Pwedeng hatiin ang pagbayad nito kapag granted ang Temporary Contributory Parent Visa at sa loob ng 2 taon, mag apply sila ng permanent visa. Mas makakamura naman kung Parent Visa Subclass 103 at Aged Parent Visa Subclass 804 ang kunin, na nagkakahalaga ng $6,415. Pero mas matagal ang processing dahil tinatayang aabot sa 30 taon. May payo si Ben Watt, para sa mga magulang na nandito sa bansa sa pamamagitan ng visitor visa, mula sa mga bansang may reciprocal health care agreement sa Australia, dapat i-apply ang Subclass 804.

“Kapag na-lodged  na yong parent visa dito sa Australia, ang mangyayari ay makakakuha na ng bridging visa yong magulang at nandito sila sa bansa habang naghihintay ng processing," sabi ni Watt.

Ibig sabihin ng reciprocal health care agreement ng Australia, ay babayran nito nag health cost kapag ang mga residente nito ang nandito sa bansa o mga Australians naman ang bibisita sa labing isang bansa. Kabilang sa mga bansang ito ang, Belgium, Finland, Italy, Malta, the Netherland, New Zealand, Norway, the Republic of Ireland, Slovenia, Sweden at United Kingdom.

Kapag child migration naman ang pag-uusapan, ang mga anak ay pwedeng isama sa parents visa application. Kapag nasa Australia naman ang applicant ng partner visa, at nasa labas ng bansa ang anak, makakapasok na ito sa Australia sa pamamagitan subclass 445 Dependent Child visa kapag granted na ang partner visa ng magulang. Meron ding, 3 options para makuha ang bata depende sa relasyon nito sa sponsor, gaya ng child visa, orphan relative visa at adoption visa.

“dapat ma-establish ang relasyon sa bata pwedeng child’s adoptive parent, ang bata ay isang orphan o ulila  at ikaw ay isang kaanak o relative of a child, o ang bata ay tunay mong anak. Pero kung ang bata ay stepchild, may ibang proseso."

Bukas din ang bansa sa pag sponsor para manirahan ang mga kaanak dito sa Australia. Kung may medical condition o sakit pwede ang carer visa kapag walang ibang kaanak na mag aalaga na nandito sa Australia o available na health care services sa bansa. Qualified dito ang mga kaanak, na may edad 18 anyos pataas sa pamamagitan ng Carer visa Subclass 116 o 836 at tinatayang aabot sa 4 taon ang proseso ng visa na ito. Bukas din ang Remaining Relative at Aged Dependent Relative visa, para sa mga kaanak na nandito na sa Australia, kaso medyo matagal ang proseso ng visa na ito na tatagal sa 50 taon. Pero maaring dito na sa Australia hihintayin ang desisyon ng application ng visa na ito, kapag dito sa Australia inapply ang visa at hindi sa labas ng bansa.

Para sa karagdagang impormasyon, Kung anong visa ang dapat i-apply para makasama dito sa Australia ang mga magulang, pamilya o kaanak, bisitahin ang Department of Home Affairs website o kumontak ng registered migration agent.


Share