Taste of the Philippines: Bakit pangunahin ang pinagsasaluhang pagkain sa mga pagdiriwang ng mga Pilipino

ANU Filipino Association

ANUFA members gather around some Filipino food Source: Supplied by Danyal Syed

Hindi maikakaila sa bawat pagdiriwang ng mga Pilipino - mula sa isang simpleng pagtitipon ng pamilya, magsasama ng mga magkakaibigan o isang malaking okasyon sa pamayanan - palaging laging may masaganang handaan.


Ngunit ano ang maaaring dahilan sa likod ng bawat marangyang hapag ng mga Pilipino?

"Sa Filipino culture, it brings us together. Palagi basta may pagkain, and'yan lahat, magsasalo-salo... it lightens the mood for conversation. It is central kung paano ka makikipagkilala sa kapwa mo lalo na doon sa mga makikilala mo from the same place where you came from," ang binigyang-punto ni Epi Terbio, ANUFA Vice-President for External Affairs.

Itinatag noong taong 2014, ang Australian National University Filipino Association (ANUFA) ay isang samahang Pilipino na binubuo ng undergraduate at nagtapos na mag-aaral, mananaliksik, guro, at mga panandaliang iskolar na pananaliksik sa ANU sa Canberra.
ANUFA
Several of the ANUFA officers and members Source: Supplied by Danyal Syed
Ang bawat pagtitipon ng mga mag-aaral na Pilipino sa ANU ay isang pagdiriwang ng pagkakaibigan na nagbibigay ng panlipunan at pang-kaisipang pagtitipon para sa talakayan ng mga isyu sa Pilipinas, lipunan at kultura sa Australia at sa ibang bansa. At sa bawat pinagsasaluhang pagkain, maraming mga pag-uusap ang nalilikha na nagdudulot ng higit na interes sa kulturang Pilipino.
Australian National University Filipino Association
ANUFA members serving variety of pansit dishes to fellow students at one of the university event at the Australian National University Source: Supplied by Danyal Syed
Dahil sa layuning itaguyod ang kamalayan sa lipunan at kulturang Pilipino sa Australian National University at pamayanan sa Canberra, ang ANUFA, sa pakikipagtulungan sa ANU Cooking Club, ay magsasagawa ng kauna-unahang "Taste of the Philippines" sa ika-24 ng Setyembre na magpapakita ng iba't ibang mga bersyon ng putangeng Pilipino na adobo.

Ibinahagi ni Epi Terbio ang mga detalye ng kaganapan at iba pang mga nalalapit na mga gawain ng ANUFA.


Share