Mga batang Pilipino artist kumukuha ng inspirasyon mula sa mga katutubong pamayanan para makalikha ng mga modernong disenyo

Philippine Heritage Month

A collection of Francis Sollano's designs Source: Supplied

Ang mayamang pamanang kultura ng Pilipinas ay nagbibigay ng inspirasyon sa maraming Pilipinong malikhain at artist upang makalikha ng sarili nilang moderno at kontemporaryong disenyo.


“It's very important for creatives, designers or artists to understand our heritage because that is one way for us to identify what is really our core in our art or in our designs,” pagbibay-puntos ng internationally awarded multi-disciplinary creative na si Francis Sollano.

Dagdag pa ni Sollano na bilang mga malikhain "mahalaga na alamin ang ating pinagmulan upang maisusulong natin ang ating mga disenyo sa hinaharap na tiyak na alam natin kung ano ang ating nakaraan".

 


Mga highlight

  • Maraming mga batang Pilipinong artist at taga-disenyo ang kumukuha ng inspirasyon mula sa napakarami at mayamang kultura at tradisyon ng Pilipinas para sa kanilang mga modernong likha.

  • Nakikipagtulungan ang mga kasalukuyang social enterprise sa mga tradisyunal na maghahabi at mga katutubong pamayanan, tulad ng T'Boli ng South Cotabato, sa paggawa ng mga bagong disenyo at produkto.

  • Ang Pambansang Buwan ng Pamana ng Pilipinas sa taong ito ay nagtatampok ng mahalagang papel ng pagbabahagi ng kaalaman, karanasan at kwento ng iba’t ibang aspeto ng pamana ng Pilipino.


Ang nakabase sa Cebu na fashion designer ay nakikipagtulungan sa ilang mga social enterprise na nagtatampok ng mga tradisyonal na likhang produkto at disenyo mula sa mga katutubong komunidad tulad ng mga T'Boli sa Lake Sebu.
"We produce jewelries, clothes made out of recycled or up-cycled materials which we then sell locally and internationally." ani ni Sollano.

Ngunit idinagdag niya na sa kasalukuyang pandaigdigang pandemya, "90% ng aming mga project ay cancelled kaya ang aming social enterprise ay walang trabaho sa ngayon, zero project kami locally, at may ilan lamang na proyekto sa UK at US".



Share