Gasgas man na sabihin pero sana araw-araw mother’s day, eto ang bukang bibig ng singkwenta y dos anyos na si Nanay Emy na naninirahan ngayon sa Brisbane kasama ang kanyang anak na lalake.
Kahapon kasi isang magarang sasakyan ang pumarada sa harapan ng kanilang bahay. Ang akala niya ay bagong tenant ang driver. Pero nang bangitin nito ang kanyang pangalan laking gulat niya ng sabihin nito na kanya pala ang sasakyang iyon.
Binili ng kanyang anak bilang regalo ngayong mother’s day.ang problema wala pa siyang lisensya. Ayon kay emy, obligado ngayon siyang mag-aral magmaneho.gusto na rin kasi niya dahil nabuburyong na siya sa bahay at nahihirapan na rin mag commute.

Source: Getty Images/ Kotlyarn
Dito sa Queensland, sari -saring kwento ng pagmamahal at selebrasyon ng Mother’s day ang makikita sa social media. Kapansin pansin na punuan ang mga restaurant sa bayan, kanya-kanyang kuha ng larawan.
Dahil araw din ng mga nanay, puno din ang mga saloon, may nagpapakulay ng buhok, nagpapakulot, gupit, pedicure at manicure.
Naging daan naman ang araw na ito para muli mabuo ang pamilya ni Joy hindi niya tunay na pangalan mula sa Mackay may isang taon na kasing hindi sila nag iimikan ng kanyang biyenan.
Nagtampo kasi ang kanyang biyenan ng sitahin niya ang ginagawang pagsusubo ng pagakain sa kanyang tatlong taong gulang na anak gamit ang kamay nito. Aniya iniingatan lamang niya ang kanyang anak, ayaw kasi niya na magkasakit ito, bagay na hindi umano naunawaan ng kanyang biyenan. Simula noon ay hindi na sila nagkibuan.
Kwento ni joy nang magkita sila nito sa isang restaurant ay nagyakap na lamang sila na tila walang nangyari sabay bigkas ng happy mother’s day sa isat isa.
Nagkakaubusan na din halos ng mga boquet ng bulalak sa mga shop, dahil sa dami ng bumibili, yung iba naghintay ng gabi para bagsak presyo na ang halaga, katunayan may roong tig 75 cents ang isang bouquet, konting ayos lamang at maganda pa rin naman.
Tiyak relate ka din, dahil sigurado nagpadala ka din ng pera sa nanay mo na nasa Pilipinas.

Source: Getty images
May pabulaklak, at pa boodle fight ang mga pamilya, tiyak usoks din ang mga video calls , masaya ka nang makita ang pamilya sa pilipinas na buo at sama -sama lalo na sa mga ganitong okasyon.
Ibat-ibang paraan ng pagpapasaya sa mga nanay, mayroong hawak ang noo dahil sumasakit daw, pero ng tapalan ang noo ng lilibuhing pera ay agad na nawala ang sakit maging ang rayuma bagay na mayroong nagsasabi na totoo at scripted lamang. Anupaman ang mahalaga ay masaya si nanay.
Kung may iba na nag celebrate sa labas, mayroon naman na nagluto na lamang sa bahay at doon nagsalu-salo.

Source: Getty images
Labis naman na naantig ang damdamin ng isang lola na si Teresita nang bigyan siya ng isang papel ng kanyang apat na taong gulang na apo, laman ang mensahe ng pagmamahal at pagpapasalamat sa pag-aaruga nito sa kanya. Mali-mali man ang spelling pero umukit sa kanyang puso ang nilalaman ng mensahe.
Nariyan ang pagpapasalamat sa pagluluto, pagpapaligo, pagpapakain at pamamasyal sa playground, pero humagalpak siya ng tawa dahil sa huli nakasaad ang lola can you please buy me toys, bagay na alam niyang hindi niya matatangihan.
Sa huli may regalo man o wala, mahalaga lamang naman sa isang ina ay masaya at nagmamamahalan ang kanyang pamilyang binuo.