Trending: Carlos Yulo, incentive para sa mga nanalong atleta sa Olympics at National Indigenous Music Awards

Trending Carlos Yulo Barkaa Olympics.jpg

Trending Ngayon: Carlos Yulo made history for the Philippines with his Paris Olympics gold medals; Rap sensation Barkaa won Artist of the Year and Film Clip of the Year at the National Indigenous Music Awards, and the countries with high monetary incentives for their winning Olympic athletes. Credit: Philippine Olympics Committee (Instagram), Supplied, Olympics (Facebook)

Sa Trending Ngayon sa SBS Filipino, mainit na pinag-uusapan ang Filipino gymnast Carlos Yulo na gumawa ng kasaysayan para sa Pilipinas sa Paris Olympics sa kanyang dalawang gintong panalo; Singapore at Pilipinas kasama sa mga bansa na may malaking insentibo para sa mga atletang nanalo sa Olympics, at mga nanalo sa National Indigenous Music Awards ngayong taon.


Key Points
  • Filipino gymnast Carlos Yulo makasaysayang nagwagi sa Paris Olympics matapos dominahin ang Floor Exercise at Vault category sa larangan ng Artistic Gymnastics. Grand homecoming parade inihanda ng gobyerno ng Pilipinas para salubungin sina Yulo at mga bronze medalists, Aria Villegas at Nesthy Petecio at lahat ng mga atletang Pinoy na sumabak sa Paris.
  • Mga bansa ang nagbibigay ng insentibo sa kanilang mga atleta na nanalo ng mga medalyang Olympic; Singapore nagbibigay ng S$1,000,000 sa gold medalist, S$500,000 sa silver medalist at S$250,000 sa bronze winner.
  • Sa ilalim ng National Athletes, Coaches and Trainers Benefits and Incentives Act of 2001, ang mga Filipino Olympian na nanalo ay tumatanggap ng P10 milyon para sa ginto, P5 milyon at P2 milyon para sa tanso.
  • Ayon sa Forbes, tanging ang Great Britain, Norway at Sweden ang hindi nagbibigay ng direktang monetary incentives sa kanilang mga atleta na nanalo ng Olympic medal.
  • Nagwagi sa National Indigenous Music awards sina Malyangapa Barkindji rapper Barkaa bilang Artist of the Year at Film Clip Of The Year; First Nations hip hop collective na 3% nakakuha ng Song Of The Year award para sa kanilang track na 'Our People'. Ang self-titled album ni Dan Sultan ay hinirang na Album Of The Year. Si Sammy Butcher ay isinama sa Hall of Fame. Ang New Talent of the Year award ay napunta kay Becca Hatch.
LISTEN TO THE PODCAST
Trending: Carlos Yulo, country incentives for Olympic medalists, and the National Indigenous Music Awards image

Trending: Carlos Yulo, country incentives for Olympic medalists, and the National Indigenous Music Awards

07:32

Share