Key Points
- Central Coast Mariners kampeon muli sa A-League, naitala ang kanilang tatlong titulo sa loob ng isang season.
- Makulay na mga ilaw ng Vivid Sydney makikita mula Mayo 24 hanggang Hunyo 15.
- Mga aktor na sina James Bradwell at Martin Sarreal masayang irepresenta ang kanilang pinagmulang Pilipino sa drama series na 'Bridgerton'.
LISTEN TO THE PODCAST

Trending Ngayon_Treble win for Central Coast Mariners_Vivid Sydney is on_two Filipino actors join Bridgerton.mp3
07:18

After securing the A-League Men Premiership and AFC Cup title early this year, Central Coast Mariners has set their historic treble win after their back-to-back A-League Grand Final 3-1 win against Melbourne Victory on Saturday 25 May 2024. Credit: Central Coast Mariners (Facebook)
'Treble Win'
Matapos makuha ang titulo sa A-League Men Premiership at AFC Cup sa unang bahagi ng taong ito, naitala ng Central Coast Mariners ang kanilang makasaysayang panalo sa A-League Grand Final nang kanilang talunin ang Melbourne Victory sa iskor na 3-1 noong nagdaang Sabado, Mayo 25, 2024.
Itinuturing na mala-fairy tale ang naging panalo ng koponan dahil ito ang unang pagkakataon sa kasaysayang ng football sa Australia na manalo sila ng tatlong titulo sa loob ng isang season.
Naitala rin ng pinakabatang manlalaro ng Mariners, ang 18-taong-gulang na Miguel Di Pizio, ang rekord bilang pinakabatang manlalaoro na makagawa ng goal sa kasaysayan ng A-League Grand Final sa harap ng rekord na bilang na 21,379 na nanood sa home court ng Mariners.

In its 14th year, Vivid Sydney illuminates the centre of Sydney with various light projections, installations, music and interactive experiences from the Sydney Opera House to the Goods Line in Ultimo. Credit: Annalyn Violata
Vivid Sydney
Sa temang 'Humanity', lalo pang maliliwanag at magiging makulay ang sentro ng Sydney sa ginaganap na Vivid Sydney mula Mayo 24 hanggang Hunyo 15 ngayong taon.
Sa selebrasyon ngayong 2024, nakatuon ang Vivid Sydney sa apat na pangunahing paksa: ang 'Light, Music, Ideas at Food'.
Makikita ang iba't ibang mga proyeksyon ng ilaw, mga instalasyon, musika, pagkain at mga 'interactive activity' na pwedeng maranasan ng mga manonod sa Vivid Sydney.
Ang walong kilometro ng mga sari-saring ilaw at mga sining ay makikita mula sa Sydney Opera House at Darling Harbour Bridge sa Circular Quay, The Rocks at Walsh Bay hanggang sa Barangaroo, at sa Goods Line sa Ultimo.

American drama series 'Bridgerton' Season 3 features Filipino actors James Bradwell as Lord Basilio (left photo) and Martin Sarreal as Lord Barnell (far right on the right photo). Credit: James Bradwell and Martin Sarreal (Instagram)
Mga Pilipinong aktor sa 'Bridgerton'
Ikinatuwa ng maraming mga Pilipino ang pagkakasama ng dalawang Pilipinong aktor sa popular ngayon na serye ng drama ang 'Bridgerton'.
Sa Season 3 ng American drama series, mapapanood at kabilang sa mga aktor sina James Bradwell na gumanap bilang Lord Basilio, at si Martin Sarreal bilang si Lord Barnell.
Sa magkahiwalay na Instagram post ng dalawang aktor na Pinoy, sinabi nilang ikinararangal nila na mapabilang sa naturang palabas at kumatawan para sa kulay kayumanggi at ipakita ang pinagmulang Pilipino.
Sa Instagram post ni James Bradwell ibinahagi nito na isang napakagandang pagkakataon na maging bahagi serye sa ikatlong season nito at magkaroon ng unang pangalang Filipino sa hanay ng mga 'Lords at Debutantes'
Aniya, na noong unang inalok ang papel sa kanya sa ilalim ng ibang pangalan na mula Silangang Asya, napa-isip siya kung may pagkakataon bang gawin itong Pilipino na kanyang pinagmulang kultura.
Naglakas-loob umano siya at kinausap ang produksyon at naging maganda ang kanilang pagtanggap nang imungkahi niya ang apelyidong 'Basilio' na hango sa pangalang Pilipino.
Ang Bridgerton ay palabas sa Netflis na gawa ni Chris Van Dusen hango sa mga libro ni Julia Quinn, na ang bawat libro ay nakapokus sa mga magkakapatid ng pamilyang Bridgerton sa kapanahunan ng unang bahagi ng 1800s.
Ang ikatlong serye ay nakatuon sa magkapatid na Colin at Penelope.