Trending: Pagbubukas ng Olympics, 'Sinag' barong ng Pilipinas, at 'misgendering' isyu sangkot si Jude Bacalso

photo-collage.png (2).png

Trending Ngayon: 2024 Paris Olympics' historic opening ceremony with Canadian singer Celine Dion singing Hymne A l'Amour under the Eiffel Tower and American singer Lady Gaga showcasing a burlesque take on the French classic Mon Truc En Plume; the 22-athlete Philippine Team shone in their 'Sinag' barong designed by Francis Libiran. Credit: The Olympics Game (on X), Sam Catantan (Instagram), The Olympics Game (on X)

Sa Trending Ngayon ng SBS Filipino, natatanging pagbubukas ng Paris Olympics 2024 kasama ang hindi malilimutang pagkanta ni Canadian singer na si Celine Dion ng Hymne A l'Amour sa loob ng Eiffel Tower at ang mala-burlesque na pagtatanghal ni American singer Lady Gaga sa French classic na Mon Truc En Plume; ang makasaysayang parada ng mga bangkasa sa River Seine sakay ang mga kalahok na atleta; koponan ng Pilipinas nagliwanag sa kanilang suot na 'Sinag' barong, at ang viral 'misgendering' issue sangkot ang dating TV personality na si Jude Bucalso.


Key Points
  • Sa gitna ng ulan, opisyal na binuksan ang 2024 Paris Olympics sa City of Lights kasama ang mga natatanging atleta at mga performer kasama ang American singer Lady Gaga at ang grand finale performance mula sa Canadian singer na si Celine Dion sa Eiffel Tower.
  • Sa unang pagkakataon sa Olympics, isang makasaysayang parada ng mga bangka ang ginawa tampok ang 85 bangka sakay ang mga atleta mula sa iba't ibang bansa, binagtas ang River Seine patungo sa sentro ng Paris.
  • Nagliwanag ang Philippine Olympic Team sa ginawang parada suot ang kanilang 'Sinag' barong na idinesenyo ni Francis Libiran.
  • Kumalat na Facebook post kaugnay ng maling pagtawag sa kasarian o 'misgendering sa dating TV personality na si Jude Bacalso, mainit na pinag-uusapan online.
LISTEN TO THE PODCAST
Trending: Paris Olympics' opening ceremony, Team Philippines shines in their Sinag Barong, and Jude Bacalso's misgendering issue image

Trending: Paris Olympics' opening ceremony, Team Philippines shines in their Sinag Barong, and Jude Bacalso's misgendering issue

07:03

Share