'We want our child to know her roots': Bakit mahalaga ang Lunar New Year sa mag-asawang Pilipino-Tsino na ito

Filipino Chinese couple Mary and Brendon Ha on keeping Lunar New Year traditions

Family and paying respects to ancestors are central to Mary and Brendon Ha's preservation of their Filipino and Chinese culture. Credit: Supplied by Mary Ha

"She needs to know her roots," bigay-diin ng mag-asawang Filipino Chinese na sina Mary at Brendon Ha sa kahalagahan para sa kanilang apat-na-taong-gulang na anak na malaman kung saan siya nagmula. Dagdag nito na maaari nitong balikan ang mga tradisyon na ito at matututo sa karunungan mula sa mga ninuno.


Key Points
  • Iba't ibang komunidad, kasama ang mga Chinese, Vietnamese at Korean, ipinagdiriwang ang Lunar New Year. Ngayong 2024 ay Year of the Dragon.
  • Naniniwala ang mag-asawang Filipino-Chinese na sina Mary at Brendon Ha na ang pagdiriwang ng Lunar New Year ay isang paraan para mapanatili ang kanilang kultura.
  • Mga nakasanayang salo-salo ng pamilya, pagbibigay ng mga pulang sobre sa mga bata, mga pulang parol ay ilan sa mga magandang simula para matutunan ng mga bata ang kultura.
LISTEN TO THE PODCAST
Traditions of Lunar New Year live on with this Filipino Chinese family image

Traditions of Lunar New Year live on with this Filipino Chinese family

26:39

Mga tradisyong Pilipino at Chinese, iingatan

"Coming from a Chinese East-Timorese background and being born in Australia, we'll try to keep up with our traditions as much as possible," mariing pahayag ng tatay mula Sydney na si Brendon Ha.

"We'll try to teach our child as much as we can."

Kasama ng kanyang Pilipinang asawa na si Mary, naniniwala si Ginoong Ha na ang pagsasagawa ng pareho sa kani-kanilang mga nakasayang tradisyon ay importante para mapanatiling buhay ang kanilang kulturang Tsino at Pilipino habang naninirahan sa Australia.

"We would encourage her to keep our traditions as much as we can as it will play an important role especially when she grows up as an individual," dagdag ng negosyanteng ama.
Mary and Brendon Ha
Philippine-born Mary has embraced her husband Brendon's Chinese and East Timorese culture and she's happy she can have their daughter, Harley-Jane experience her Filipino traditions too. Credit: Mary Ha
Nagpapasalamat ang disability support worker at ina na si Mary na parehong na-iingatan nilang mag-asawa ang mga kulturang pinagmulan nila sa kabila na malayo sila sa kanilang mga pinagmulang bansa.

"We just have to respect both of our traditions. I respect my husband and his family's Chinese East Timorese customs and beliefs as much as they respect my Filipino upbringing."

Si Brendan, bagaman dito na sa Australia pinanganak at lumaki, maalam pa rin ito sa kulturang Hakka, isang etnikong grupo sa timog China. Hangad nito na maituro ang magkahalong kultura sa kanilang anak.

"If there's ever a situation where life in general gets harder, our daughter can refer back to those traditions and she may find nuggets of wisdom from past ancestors and part of our culture, that could help her," ani Brendon.
Lighting up incense sticks to pay respect to ancestors who had passed on
For the Ha family, lighting up incense sticks is a tradition that they will keep as one way to pay respect to ancestors who had passed on. Credit: Mary Ha

Lunar New Year

Ang pagdiriwang ng Lunar New Year ay isa sa mga espesyal na okasyon kung saan higit na mapapayabong ang pinagmulang Tsino ng pamilya.

"I love it when our daughter enjoys the family get-togethers. She looks forward to receiving red packets," masayang kwento ng inang si Mary.

Binigyang-diin ni Mary at Brendon na hindi kailangang maging magarbo ang mga selebrasyon ng Lunar New Year, ang mahalaga kasama ang mga mahal sa buhay.

Bukod sa mga pagkaing pansit, ang klasikong Timorese meatball (tinatawag ding Newt Nang sa Hakka) ay laging kasama sa inihahanda ng pamilya Ha kapag Lunar New Year.

Ang Timorese meatball ay isang putahe na gawa mula sa giniling na karnerng baboy na binilog-bilog at saka pini-prito, na nakasanayan ng mga magulang ni Brendon na gawin mula sa kanilang pinagmulang Hakka.

Natutunan na rin itong lutuin ng Pinay na si Mary base sa turo ng kanyang mga biyenan.

"I have also learnt how to make this meatball dish that my husband's parents have imparted to us."

Share