Ano ang kahulugan ng 'Welcome to Country' at bakit isinasagawa ito?

 Welcome to Country at 2018 Commonwealth Games

Welcome to Country at 2018 Commonwealth Games Source: Ian Hitchcock/Getty Images

Sa bawat simula ng pagdiriwang o mga kaganapan nakikita ang isang pormal na seremonya na isinasagawa ng mga Aboriginal Traditional Custodian. Ang ritwal na pagtanggap na ito ay tinatawag na ‘Welcome to Country’.


Pakinggan ang audio
LISTEN TO
What does Welcome to Country mean? image

What does Welcome to Country mean?

SBS Filipino

07:09
Ang seremonyang 'Welcome to Country' ay isinasagawa ng mga Traditional Custodians.

Sila ay ang mga angkan ng Aboriginal people na syang tinaguriang tagapangalaga ng bansang Australia bago pa man nangyari ang kolonisasyon.


Highlights

  • Ang Welcome to Country na ritwal ay may kaibahan sa Acknowledgement of Country
  • Ang mga Traditional Custodians lang ng partikular na lugar ang maaaring magsagawa ng Welcome to Country
  • Maraming resources na maaaring gamitin para gumawa ng sariling Acknowledgement of Country

 

Ano ang kahulugan ng 'Welcome to Country'

Si Rhoda Roberts na isang SBS’ Elder in Residence ang lumikha ng  terminong  ‘Welcome to Country’ taong 1980’s upang makabuo ng modernong paraan para maihatid ang pagtanggap.

“Ang Welcome to Country ay isinasawaga ng mga Custodians ng partikular na lupain kung saan sila naroroon o mga Elders sa komunidad."

Ang welcoming o pagtanggap ay karaniwang ginagawa sa pamamagitan ng talumpati , sayaw o kaya sa  tinatawag na smoking ceremony. 

Samantala si Jude Barlow na isang  Ngunnawal Elder mula Canberra region, tinuturuan ang mga tao sa kahalagahan ng ‘Welcome to Country’.

“Kapag tinanggap ka sa 'Country'  nangangahulugan ito na nakikipag-usap sila sa spiritual ancestors at sinasabing hayaan ang isang indibidwal na makapasok sa lugar. 

May tiwala kami na hindi gagawa makakasama sa lugar  at importante ito para sa tao sa kanyang  spiritual safety, ibig sabihin  magiging maayos ang kanyang pananatili sa lugar dahil nariyan sila kasama sa mga hayop na nakakasalamuha sa lugar."

Ano ang kahulugan ng terminong 'Country'

Ang terminong  ‘Country’ ay kumakatawan sa ilang komplikadong mga ideya. Ginagamit ito para ilarawan ang lupain,  mga daanan ng tubig, at kalangitan ngunit naglalaman din ito ng ideya sa  buhay, pamilya at koneksyon.

“Ito ang lakas na aking nararamdaman kapag narito ako sa 'Country'. Kapag wala ako parang may kulang sa buhay ko. Ito ang koneksyon ko sa mga ninuno. At ang mga Aboriginal ay may kasaysayan at sa 'Country naroon ang kwento kaya kapag nasa 'Country' ramdam ko ang koneksyon."

Sino ba ang maaaring magsagawa ng 'Welcome to Country'?

Bilang CEO ng Federation of Victorian Traditional Owner Corporations, ipinapaabot ni  Paul Paton bilang Gunnai at Monaro man mula south-eastern Australia hindi kahit sino lang ang pwedeng magsagawa ng ‘Welcome to County’.
Welcome to Country at Big Bash League, Perth
Welcome to Country at Big Bash League, Perth Source: Paul Kane/Getty Images
Ito ay isinasagawa ng Traditional Custodians ng lupain kung saan ka makikipagpulong.

Kadalasan sila ay kilalang grupo na Traditional Owner ng isang partikular na lugar .

"Ang Traditional Owners ay konektado sa partikualr na lugar o Country kaya mahalaga na bigyan ng respeto at paggalang ang koneksyong ito dahil ang relasyong ito ay  karugtong sa lupain at kultura meron sila. Ang koneksyong ito ay nariyan na ilang henerasyon na ang nakakaraan."
Welcome to Country before Super Netball, Melbourne 2022
Welcome to Country before Super Netball, Melbourne 2022 Source: AAP Image/James Ross
Sa ilang bahagi ng bansa, ang Traditional Custodians ay kilala. Subalit sa ibang lugar, ang pagtukoy sa mga Custodians ay nangangailangan pa ng  ilang pananaliksik, lalo na kung hindi pa sila pormal na kinikilala.

“May mga paraan para makilala ang mga Traditional Owners. Maaaring sa pamamagitang ng websites ahensya ng gobyerno at local government councils sa buong Australia. Dahil may koneksyon sila sa Traditional Owners."

Makakatulong din kung makikipag-ugnay sa inyong  local Aboriginal Land Council o Aboriginal health organisations  para ituro sa tamang direksyon .

Ang kaibahan ng 'Acknowledgment of Country'

Samantala, ang ‘Acknowledgement of Country’ ay isa pang mahalagang welcoming speech, na ginagawa sa simula ng mga pagpupulong at kaganapan.

At ipinaliwanag ni Rhoda Roberts ang kaibahan nito sa ‘Welcome to Country’.

“Ang Acknowledgement of Country ay maaaring gawin ng lahat, ano mang kulay mayroon ka at kahit saan ka nagmula. Dahil ito ay ang pagbigay pugay at paggalang  sa lugar na binisita. Kinikilala lang natin na hindi tayo ang may-ari kaya pinapasalamatan natin sa 'Acknowledgement' ang mga Elders at Custodians."

Ang paghahanda ng Acknowledgment

Gayunpaman, sabi ni Jude Barlow kapag naghahanda ng sariling ‘Acknowledgment of Country’, maaaring gamitin ulit ang gawa ng script. Subalit, dapat isa-alang alang na mas mabigat ang dalang mensahe kapag sarili mong gawa at galing sa puso.

Walang template o itinakdang salita na dapat sundin sa paggawa ng ‘Acknowledgment ‘ ngunit maraming online resources na makakatulong para sa paghanda ng maayos na  ‘Acknowledgement of Country’ na talumpati.

At napakahalaga itong gawin na may layunin.

“Dapat ito ang una nating ginagawa pagdating hindi yong tinatawag na last-minute thing at buong puso natin itong ginagawa ng may paggalang."

Dagdag naman ni Kerri-Lee Harding na isang SBS’ Indigenous Lead,  huwag kalimutang isama sa talumpati ang ‘Country’ kung saan ka nakikipagpulong, at gamitin ang Traditional name o kanilang pangalan.

Palaging banggitin ang pangalan ng Traditional Custodian kung sila ay pormal na kinikilala, at magbigay galang sa mga Elders o matatanda, ng nakaraan, kasalukuyan at ng mga umuusbong.

“Nagsasagawa ako ng Acknowledgement of Countries sa buong buhay ko kahit pa sa aking trabaho sa SBS Radio, mga pagpuulong at ibang pagtatagpo sa komunidad.

Importante na kinikilala ko ang mga Aboriginal sa lupaing ito  kung saan ako nabubuhay, nagbibigay respeto din ako sa mga Traditional Owners."
Acknowledgement of Country is given by Aunty Yvonne Weldon during the First Nations Fashion + Design show, Sydney 2022
Acknowledgement of Country is given by Aunty Yvonne Weldon during the First Nations Fashion + Design show, Sydney 2022 Source: Stefan Gosatti/Getty Images
Dagdag paliwanag ni Paul Paton, kung hindi malinaw kung sino ang mga Traditional Owners, makabubuting magbigay ng pagkilala sa mga Traditional Owners sa pangkalahatan.

“Dapat hanapin mo ng buong puso ang pangalan ng Traditional Owners sa Country kung saan ka naroon. Minsan may maraming grupo na gustong kilalanin sa lugar na yon pero sikapin mong pangalanan sila kahit general na pamamaraan."

Pahabol na payo ni Kerri-Lee Harding  ang pinakamaganda at puno ng paggalang na hakbang na dapat gawin ay subukang magbigay ng 'Acknowledgment' o pagkilala.

“Subukan mong isagawa ang  Acknowledgment of Country, ito ang isa sa pinaniniwalaan kong dapat gawin  na bigyan ng respeto at pagkikila ng buong katapatan ang mga Custodians ng lupaing kinatatayuan nating lahat."

 

 


Share