Ano ang mould at paano nagiging mapanganib ito sa kalusugan ng tao?

The task of clearing mould is best left to the professionals.

The task of clearing mould is best left to the professionals. Source: Getty Images/Heiko Küverling.

Ang mould ay karaniwang nakikita sa mga bahay dito Australia dahil tumutubo ito sa mga mainit-init, mamasa-masang lugar partikular na sa may average na humidity na lugar. At ang masamang panahon na nagdulot ng pagbaha sa ilang bahagi ng bansa, ang ikinabala ng mga awtoridad dahil seguradong lumala ang problema sa moulds na magiging mapanganib sa kalusugan ng mga residente. At mapapagastos ng malaki lalo’t kailangan mga propesyonal ang magtatanggal dito.


Pakingggan ang audio
LISTEN TO
What is mould and how dangerous is it? image

What is mould and how dangerous is it?

SBS Filipino

11:40
Ang mould ay isang uri ng fungi na tumutubo sa mga lugar na mamasa-masa at mahina ang bentilasyon o hindi na kikita ng araw at nahahanginan, napaparami ito sa pamamagitan ng spores.

Ang spores ay nadadala ng hangin at nagdudulot ng masama sa kalusugan ng tao kapag nalalanghap lalo na nilang mga sensitibo o may allergy.


Highlights

  • Ayon kay Dr Arianna Brambilla ang mamasa-masang espasyo ay paboritong lugar ng mould na may dalang peligro sa kalusugan ng tao.
  • Ang mga mananaliksik ay kasalukuyan gumagawa ng bagong paraan at estratehiya para ma-kontrol ang pagbuo ng moisture sa mga gusali at gumamit ng tamang materyales para hindi dumami ang moulds. 
  • Inirekomenda ng mga eksperto mula Australian Medical Association ang paggamit ng tamang mask para protektado laban sa masamang dulot ng mould.

Authorities are warning the public against the health hazard of mould.
Authorities are warning the public against the health hazard of mould. Source: Getty Images/anandaBGD
Ang mould ay may masamang epekto sa kalusugan

Ayon sa World Health Organisation tinatayang nasa singkwenta porsyento ng mga bahay  dito sa Australia ay may mould, na nagiging sanhi ng seryosong problema sa kalusugan ng mga tao kapag na-exposed dito kahit sa maikling sandali lamang.

Hindi lang yan sinisira din nito ang mga tela, damit, at iba pang gamit sa bahay at hindi na ito mapapakinabangan.

Pero ang lubhang ikinababahala ng mga awtoridad ay ang kalusugan ng publiko.

Ayon kay Dr Chris Moy ang Vice-President ng  Australian Medical Association [AMA], pinaka-apektado dito ay ang mga taong may allergy, may respiratory problem o mababa resistensya.

"Ang karaniwang  apektado ay silang may allergy, asthma, eczema at hay fever at mas maging malala ito dahil sa moulds. Ang iba irritations lang sakit sa mata, ilong at lalamunan. Subalit pinakamalala na epekto ay sakit sa baga, impeksyon o sinuses."

Naglabas ng bagong libro ang isang mananaliksik at Senior Lecturer ng Architecture mula Sydney University na si Dr. Arianna Brambilla na may pamagat na ‘ Moisture and Building’.

Ayon sa kanyang libro sa pangkaraniwan isa sa tatlong  bahay ang may mould at maliban sa nakaka-apekto sa kalusugan ng tao, seguradong  magastos din ang pagpapatanggal dito.

Dagdag nito ang pagkahilig sa paggawa ng saradong mga espasyo ang sanhi kung bakit tumutubo ang mould sa kahit anong uri ng gusali, bago man o luma.

"Kapag nagsasampay ka ng basang damit o nag-eehersisyo ka sa loob ng bahay yan nakakatulong para mabuo ang mould sa loob ng bahay bago man o luma ito lalo na kapag walang tamang bentilasyon."

Ang epekto ng moulds sa kalusugan ng tao ay sadyang nakakabahala.

Mga sintomas na epekto ng mould

Kagaya na lang sa nangyari sa taga-Melbourne na si  Ameeta Piazzi  na simulang nakaramdam ng sintomas matapos tumuloy sa mga rental properties ng ilang taon na pinamamahayan na ng moulds, dahil posibleng dati itong napasok ng tubig.

At nitong nakaraan napagtanto ni Piazzi na ang nararamdamang sintomas ay dahil sa na-expose ito sa mould.

"Ang dami kong naramdaman na sintomas. Una, brain fog, hindi ko maitindihan ang ginagawa ko at may short term memory loss ako, ang bilis kung makalimot.

Ang masama pa hindi ko mahanap ang word na gusto kong sabihin, kaya apektado ang trabaho ko. Isa pa s sintomas ay chronic fatigue o madali akong mapagod."

Napapansin din ni Ms Piazzi na mas lumala ang kanyang nararamdaman nang magsimula itong ma-work from home. Kabilang sa kanyang  napansin ay ang matagal na paghilum ng simpleng sugat at mga pasa.

At sabi nito dalawa lang ang naging solusyon sa kanyang problema, una ay nangalap ito ng impormasyon  at sumunod ay kung paano ito maiwasan.

At dahil nalaman nito na ang sanhi ng kanyang nararamdamang sakit ay moulds agad itong lumipat ng tirahan.

"Simula ng mabasa  ko [libro] ang epekto ng mould nagulat ako, sabi ko,' oh my god ito pala ang dahilan ng nararamdaman ko sa loob ng 10 taon,' ang laki ng rebelasyon na yon. Kaya agad naghanap kami ng malilipatan."

Pahirapan din ang paglipat ni Ms Piazza dahil kailangan nyang pumili ng walang moulds na property.
The task of clearing mould is best left to the professionals.
The task of clearing mould is best left to the professionals. Source: Getty Images/Heiko Küverling.
Sabi ni Dr Brambilla  kapag tumubo na ang moulds hirap itong tanggalin dahil nakakapit na ito sa ilalim ng pader at bubong o sa kisame.

Kaya payo nito hayaang ang mga eksperto ang maglinis sa moulds para seguradong mawala ito.

"Alam ko gusto natin tayo magtanggal sa mould pero mahirap itong tanggalin kasi tumubo na ito sa loob ng kahoy o anuman, kaya mainam ang mga propesyonal, alam ko gumagamit sila ng kemikal, pero hindi ito pangmatagalan na solusyon.

Pinakamainam may sapat na bentilasyon ang espasyong yon, gumamit ng dehumidifier at tumawag ng propesyonal na magtanggal para masuri din kung gaano na kalaki ang danyos nito."

Sabi din ni Ms Piazzi dapat tandaan hindi madali ang paglilipat ng tirahan lalo’t kailangang gumastos ng malaki.

Kaya payo nito bago lumipat sa isang property dapat alamin din kung wala itong moulds para hindi malagay sa alanganin ang kalusugan at ang bulsa.

"Maswerte na talaga ako dahil may maganda akong trabaho at sinusuportahan ako sa paglilipat hanggang sa pagpapagamot. Kaso hirap akong makakuha ng kabayaran mula sa Real Estate.

Sana ayusin ang patakarang ito dahil kailangan ko pa mapatunayan na alam ng landlord na may mould na sa kanyang bahay bago ako nakatira dun."
Researchers are developing new methods and strategies to control the formation of moisture in buildings and to encourage the use of more efficient materials to prevent the proliferation of mould.
Researchers are developing new methods and strategies to control the formation of moisture in buildings and to encourage the use of more efficient materials to Source: Getty Images/CareyHope
Posibleng lunas sa pagtubo ng mould sa kabahayan

Samantala ang mga mananaliksik ay kasalukuyan gumagawa ng bagong paraan at estratehiya para ma-kontrol ang pagbuo ng moisture sa mg gusali  at para mahikayat na gumamit ng tamang materyales para hindi dumami ang moulds.

Subalit sa kasalukuyan wala pang istriktong regulasyon na ipinapatupad ukol dito.

Marso 2020 isang imbestigasyon ang isinagawa ng gobyerno hingil sa Biotoxin-related na sakit sa Australia, kung saan inirerekomenda  na ang bawat ‘estado at teritoryo ay kinakailangang gumawa ng karagdagang pananaliksik sa kasalukuyang building codes  at standards para maiwasan at malinis ang moulds sa mga itinayong gusali.’

Dagdag ni Associate architect Diana Yang, mula sa Luigi Rosselli’s firm, bagaman may  inilabas na batas hindi nito ma-kontrol ang moisture, kailangan lang sundin at ipatupad  ang mga codes at standards para sa mga bagong konstraksyon.

"Sa  Building Code of Australia  may palisiya  na nagsasaad na dapat hindi makapasok ang tubig sa loob ng bahay,  meron ding sa tamang bentilasyon.Importante sa lahat ang exhaust system ay may tamang bentilasyon hanggang sa paglabas nito." 

Ang kagandahan lang sa patuloy na ginagawang pananaliksik sabi ni Dr Brambilla ay natutulangang mapabuti o maayos ang kalidad ng pagtatayo ng kahit anong uri ng gusali.

"Nasa research stage pa ang lahat  at ang construction sector naman ay dun na patungo sa pag-sunod sa bagong estratehiya  at mga bagong probisyon para mas mapabuti ang kalidad ng konstraksyon sa bansa.

Tinitingnan din namin halimbawa yong ginagamit na materyales at kung saan sila ginagamit gaya sa paggawa ng bathroom. Dapat ang materyales ay may tama para hindi tumubo ang mould."
Lismore locals help with the clean up in the Central Business District in Lismore, Northern NSW, Thursday, March 3, 2022. The clean up is underway in towns across northern NSW. (AAP Image/Jason O'Brien) NO ARCHIVING
Lismore locals help with the clean up in the Central Business District in Lismore, Northern NSW, Thursday, March 3, 2022. Source: AAP Image/Jason O'Brien
Kamakailan lamang dahil sa naranasang masamang panahon na nagdulot ng  malawakang pagbaha sa Queensland at New South Wales, dahil sa moisture build-up sa lugar  nalalagay sa panganib ang kalusugan ng mga residente.

May payo naman si Dr Moy sa mga residenteng ang kanilang mga ari-arian ay tinubuan na ng moulds at kung paano nila mabigyan ng proteksyon ang sarili.

" Para mabawasan ang exposure, kung posible manatili sa preskong lugar. Kaso sa bagong nangyaring pagbaha seguradong lalago ang moulds.

Makakatulong na matuyo ang loob nga bahay kung buksan ang bintana, at kung basa ang carpet itapon na ito dahil segurado marami ng mould."

At kapag hindi maiwasang manatili sa loob ng lugar na may mould lalo na sa loob ng bahay, pahabol na payo ni Dr Moy.

“At kapag hindi maiiwasan na ma-exposed sa lugar na may moulds dapat magsuot ng tamang mask gaya ng P2 N95 masks. Mabisa itong salain ang hangin kung saan nadadala ang spores ng moulds."


Share