Pakinggan ang audio
LISTEN TO

What is the best way to heat your home in Australia?
SBS Filipino
08:23
Taliwas sa isang tanyag na alamat, hindi maaraw sa buong taon dito sa Australia ang bansa na tinaguriang Land Down Under.
Ngunit sa pagdating ng heating system, ang mga bahay sa bansa ay karaniwang nahuhuli sa kanilang mga katapat na bansa na matatagpuan sa Northern Hemisphere.
Ayon sa German-born na si Dr Sven Teske ang Associate Professor at Research Director sa Institute for Sustainable Futures sa University of Technology Sydney, ang bansang Australia ay matatawag na first-hand experience kung heating system ang pag-uusapan.
Highlights
- Ang residential heating system sa Australia ay iba-iba depende sa lokasyon ang kagustuhan ng may-ari ng bahay
- Ipinagbabawal ang paggamit ng outdoor heateres sa loob ng bahay dahil ito't nakamamatay
- Ang paggamit ng sustainable o green energy ay angkop lang sa mga may-ari ng bahay at limitado lang para sa mga umuupa
"Galing akong Germany na isa sa pinakamalamig na bansa pero hindi ko naranasan ang mangatog sa lamig sa bahay, ngayong andito ako sa Australia dahil walang heating system na inilagay sa aming bahay.
Isa sa dahilan kasi dito sa Australia dahil maikli lang ang taglamig kumpara sa Europa na 8 hanggang 9 na buwan ang taglamig kaya kinakailangan ang heaters na installed. Dito sa Australia hindi ganun ka kailangan dahil 3 buwan lang ang taglamig."
Pahabol na paalala ng mga eksperto ano man ang piniling opsyon para maging mainit ang iyong bahay ngayong taglamig, pinakamahalaga sa lahat ito ay ligtas.
Ayon sa Fire and Rescue New South Wales, sa mga buwan na malamig ang panahon tumataas sa 10 porsyento ang kaso ng sunog ng mga bahay. At karaniwang nagsisimula ang sunod sa mga kwarto at sala o living room dahil sa ginagamit na heater at electric blanket.
Kaya payo ng mga awtoridad sa lahat, huwag gumamit ng outdoor heating o cooking equipment sa loob ng bahay kabilang dito yong mga gumagamit ng heat beads, uling o LPG .
At suriing maigi ang rekomendasyon ng tagagawa ng produkto bago gamitin para maka-iwas sa sunog at aksidente.