Highlights
- Tataas ang super guarantee rate mula 10 per cent sa 10.5 per cent.
- Makakatanggap ng isahang bayad o one-off $420 cost of living tax offset ang mga Australians
- Gagawin nang points based activation system ang Jobseeker bago makatanggap ng bayad
Taun-taong nagkakaroon ng pagbabago sa taxation ng Australia. Ngayong 2022, tinukoy ng Australian Tax Office ang mga capital gains kabilang ang cryptocurrency assets na kanilang tututukan ngayong taon.
Ayon sa Assistant Commissioner ng Australian Tax Office Tim Loh, magiging epektibo ang maraming pagbabago mula July 1 , is ana dito ang super funds.
"From 1 July, employees will be eligible for a super guarantee regardless of how much they earn. This is because the $450 per month eligibility threshold for super guarantees is being removed, so employers who are under 18 still need to work more than 30 hours a week to be eligible for a super guarantee."
Ibig sabihin, dapat kwentahin ng mga employer ang super payments ng mga empleyado base sa bagong rate. Sakop nito ang pay period na July 1 at mga trabahong nagawa bago ang petsang ito.
Kung ikaw naman ay nasa edad 60 pataas, mula July 1, pwede kang maging eligible sa tinatatawag na 'downsizer' contribution mula sa pagbebenta ng iyong bahay. Maaring maglagay ng hanggang $300,000 sa iyong superannuation fund.
Noon kasi, tanging mga edad 65 pataas lang ang pinapayagan na magbigay ng downsizer contribution.
Mula sa unang araw ng Hulyo, nasa 10 million Australians naman ang makakatanggap ng isahang bayad o one-off $420 cost of living tax offset.
Ang offset ay binabawas sa taxable pay ng isang tao, Narito ang paliwanag ni Ginoong Loh.
"The lower to middle income offset has been increased for the 2021-2022 financial year for amounts between $675 and $1500 for incomes of up to $126,000. The ATO will automatically calculate the lower to middle income tax off-set for you, and what your lower to middle income tax offset will do, will reduce your tax bill between $675 and $1500. It's a non-refundable offset so will only reduce the amount of tax you pay and will not be an additional refund for taxpayers."
Samantala, aakyat naman ang minimum wage ng 5.2 per cent o $21.38,
Kung ikaw ay fulltime employee na nagtatrabaho ng 38oras, makakatanggap ng umento sa sahod na $40 kada linggo.
May dagdag din sa childcare subsidy.
Ang mga pamilyang may higit sa isang anak nae dad lima o mas bata ay tatanggap ng mas mataas na rate sa Child Care Subsidy. Ang bagong rate ng C-S-S ay para sa ikalawang anak at mas nakababatang kapatid nito.
Sa jobseeker program naman gagawin nang points based activation system bago makatanggap ng bayad.
Kung dati ay kinakailangan makapag apply ng 20 trabaho kada buwan, ngayon ay dapat maka ipon ng 100points ang jobseeker at magkaroon ng limang job searches kada buwan.
Ang bawat task o trabaho na kanilang gagawin ay may katumbas na puntos.
Pagdating naman sa dehadong stock market shares, sinabi ni Mr Chapman na ang mga losses o lugi ay magagamit para -i-offset ang capital gains.
Sa crypto, nagbabala si Harrison Dell, tax lawyer at Cadena Legal sa mga pagbabago sa crypto currency trading and taxation.
“The tax events for most people as just a casual investor will be whenever they swap a token or whenever they receive a token - an example of that would be if you’re trading between different tokens you would swap some bitcoin for some ether - you would actually trigger a taxable event and you’ve got to work out your capital gains tax on every single transaction that you do.”