Si Michelle ay kasalukuyang ‘lifestyle producer’ ng BuzzFeed Australia. Sa eksklusibong panayam na ito ng SBS Filipino, ang dalawampu’t tatlong taong gulang na mula sa pinaghalong lahi o ‘mixed race’ ay ibinahagi ang mga estereotipo at mga maling palagay na kanyang hinarap sa kanyang paglaki, mga artikulong kanyang isinulat na naglalayong tuldukan ang mga walang basehang ideya at haka-haka tungkol sa pagkakaroon niya ng isang Asyana at ‘Caucasian’ na magulang at pinakamagandang bahagi ng pagkakaroon ng isang Pilipinang ina.
“They don’t actually see what happens at home. You see the love and the dynamics and you see all the stuff that no one else has access to,” sinabi ni Michelle bilang kanyang sagot sa mga taong tinitingnan lamang ang panlabas at may hawak ng maling paniniwala sa mga kababaihang Pilipina na kasal sa isang lalakeng ‘Caucasian’.
Ang puspos na pagtanggap ng artikulo ay kinumbinse si Michelle na ang kanyang pagsubok na bigyan ng boses at matulungan ang mga taong katulad niya, ay nagtagumpay. Nakatanggap siya ng mensahe ng pasasalamat pati na mga paghingi ng tawad.
Higit dito, ang pinakamahalagang rebelasyon na labis na kumalabit sa puso ni Michelle ay ang marinig mula sa kanyang ina na pinakakalat sa ibang tao kung gaano niya pinagmamalaki ang anak sa naisulat nito. “She’s proud that I’m her daughter. I’m proud that she’s my mother and I’m grateful she has given me all that she could give me in life.”
Ngayong araw ng mga ina, narito ang mensahe ni Michelle sa kanyang ina na si Maria: “I am thankful for everything you have done to me and even though we have a fight and our moments, I hope one day I am at least the quarter of the person that you are.”
Sa panayam na ito, ang ‘millenial’ na batang producer ay ipinaalam na hindi niya kailanman kinagalitan ang ina kung ano at sino siya ganoon na rin ang mga desisyong kanyang nagawa; isang magandang buhay ang inalok sa kanya na kanyang kinuha at kung wala ito, si Michelle ay hindi magiging isang matagumpay na tao sa ngayon.
Alamin pa ang salaysay ni Michelle tungkol sa kanyang buhay sa eksklusibong panayam na ito ng SBS Filipino.