Bakit mahalaga ang mga katutubong protocol para sa lahat ng mga Australians?

An Indigenous performer participates in a smoking ceremony.

An Indigenous performer participates in a smoking ceremony. Source: Cameron Spencer/Getty Images

Ang pagsunod sa mga katutubong protocol ng mga Aboriginal at Torres Strait Islander ay isang mahalagang hakbang tungo sa pag-unawa at paggalang sa mga First Australians at sa lupaing tinitirhan nating lahat.


Pakinggan ang audio
LISTEN TO
Why are Indigenous protocols important for all Australians? image

Why are Indigenous protocols important for all Australians?

SBS Filipino

08:51
Ang mga Indigenous cultural protocols o mga katutubong protocol ay nakabatay sa mga etikal na prinsipyo o pinaniniwalaan na humuhubog sa trabaho at personal na relasyon sa mga Aboriginal at Torres Strait Islander. 

Napakahalaga na pagyamanin at mapanatiling maayos ang relasyon sa mga katutubo dahil sila ang tinaguriang First Australians. 


Highlights

  • Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kultural na protocol, kinikilala natin ang walang patid na koneksyon ng ating Unang Australiano sa lupain at sa kanilang mga sinaunang kaugalian.
  • Paalala ni Rhoda Roberts, ang Elder in Residence ng SBS, ang ideya ng cultural protocols ay pangkalahatan at tungkol pakikipagkapwa-tao.
  • Ang Indigenous Australians ay sumasaklaw sa mga Aboriginal at Torres Strait Islander

Ang mga Aboriginal at Torres Strait Islander ay ang mga tao na may malalim na kaalaman sa lupain ng Australia at maaaring magturo ng maraming tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran.

Si Caroline Hughes na isang  Ngunnawal Elder sa Australian Capital Territory o ACT at sa buong rehiyon. At bilang isang Aboriginal Elder pinahahalagahan siya dahil sa malalim nitong kaalaman sa kultura.

“Ang mga Aboriginal at Torres Strait Islander People ay ang First Nations People ng bansang ito, at mayroon kaming mga sistema ng paniniwala at etiquette na bumalik mula noong nagsimula ang panahon. At bahagi pa rin nito ng  ating buhay ngayon sa modernong Australia."
The Everett Dancers from Pakana/Palawa perform at the University of Tasmania Stadium
The Everett Dancers from Pakana/Palawa perform at the University of Tasmania Stadium Source: AAP Image/Tracey Nearmy
Ayon kay Rhoda Roberts na isang Elder in Residence ng SBS, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga cultural protocol, kinikilala ng walang patid ang koneksyon ng mga First Australians sa lupain at sa kanilang mga sinaunang kaugalian.

“Patuloy naming pinagyayaman ang mga kwento, protocols at ritwal. Ang buong pangunahing batayan ay patuloy pa ding pinagyayaman at inaalagaan para sa bansa, kasama ang lupa, dagat at kalangitan."

Ayon kay Caroline Hughes bilang Ngunnawal woman ang terminong ‘Indigenous Australian’ ay sumasaklaw  sa parehong Aboriginal at Torres Strait Islander, ngunit tinutukoy ng mga Aboriginal ang kanilang sarili sa paraan na may kaugnayan sa kanilang pagkakakilanlan at pinagmulan.

“Nararapat na tawagin kaming Aboriginal o Torres Strait Islander. Mas gusto kong tawaging Ngunnawal woman dahil iyon ang aking Bansa. Kaya, ang aking Bansa ay ang aking pangkat ng wika at ang aking pangkat ng tribo, at iyon ang nagsasabi sa ibang mga taong Aboriginal kung saan ako nanggaling."

Halimbawa ang 'Koori' ay kadalasang ginagamit upang kilalanin ang isang katutubo mula sa NSW o Victoria, ang 'Murray' ay ginagamit sa Queensland at ang mga Aboriginal Tasmanians  naman ay tinatawag na  'Palawa'.

Ang Torres Strait Islanders ay mga katutubo mula sa isla na matatagpuan sa dulo ng Cape York Peninsula at Papua New Guinea, at higit sa lahat mula sa lahing Melanesia.

Tulad ni Thomas Mayor na isang Torres Strait Islander at kasalukuyang National Indigenous Officer sa Maritime Union.

"Ang lahat ng First Nations ay may bahagyang magkakaibang mga kultura ngunit mayroong isang tunay na malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng kultura ng Islander at kultura ng Aboriginal, kaya gusto ng mga Islander na kilalanin bilang Indigenous na katutubo para sa bansang ito."
Both the Aboriginal and Torres Strait Islander flags are flown alongside the Australian national flag to acknowledge these distinct Indigenous peoples.
Both the Aboriginal and Torres Strait Islander flags are flown alongside the Australian national flag to acknowledge these distinct Indigenous peoples. Source: AAP Image/Mick Tsikas
Sa katunayan ang parehong  watawat ng Aboriginal at Torres Strait Islander ay itinaas katabi mismo ng bandila ng Australia, upang kilalanin  ang natatanging katutubong mamamayan ng bansa.

Paliwanag ni Caroline Hughes napapakita din nila ang  paggalang sa pamamagitan ng paggamit ng termino na ‘Indigenous’, ‘Aboriginal’, ‘Torres Strait Islander’ at ‘Country’ bilang proper noun na ginagamitan ng malaking titik o capital letters sa pagsulat, at ang pag-abbreviate o pagdadaglat nito ay  hindi angkop.

"Huwag mong paikliin ang salitang 'Aboriginal' - ito ay talagang nakakasakit. Huwag din kaming tawagin sa acronym tulad ng 'ATSI' para sa Aboriginal at Torres Strait Islander. Nakakasama ng loob kapag naririnig namin ito."

Dagdag  paalala ni Aboriginal Elder Rhoda Roberts, ang  paggamit ng termino tulad ng ‘Custodian’ at ‘Elder’ bilang mga proper noun.

Sabi pa nito ang Elders ay iginagalang na miyembro ng komunidad na nagtataglay ng malalim na kaalaman sa kultura na pinapayagan na  pag-usapan.

“Noon pa man ang ating mga Elder ay may tamang alam at kasama dito ang  pangangalaga sa mga tao. At kaya kapag sila ay nanghihina ay inaalagaan natin sila.

Dahil ang kanilang karunungan at ang kanilang banayad na paggabay bilang mga guro ang nagtuturo sa atin ng etikal na paraan ng pag-uugali sa ibang tao."

Napapakita din ang paggalang sa mga ‘Elders’ sa pamamagitan ng paggamit ng termino na ‘Aunty’ at ‘Uncle’.

Tandaan kapag hindi katutubo o non-Indigenous  dapat na magtanong muna sa mga katutubo kung maaaring gamitin ang mga pangalang ito.

Ang mga Elders naman ay karaniwang nagbibigay ng ‘Welcome to Country’. Ito ay binuo mula pa noong  1980’s ng mismong Elder na si Rhoda Roberts.
Aboriginal woman Jordan O'Davis performs with the Buja Buja dance troupe during the Wugulora Indigenous Morning Ceremony as part of Australia Day celebrations in Sydney, Australia, Sunday, Jan. 26, 2020.
Aboriginal woman Jordan O'Davis performs with the Buja Buja dance troupe during the Wugulora Indigenous Morning Ceremony as part of Australia Day celebrations Source: AAP Image/AP Photo/Rick Rycroft
Ang ‘Welcome to Country ‘ ay isang tradisyonal na seremonya ng pagtanggap at karaniwang ginagawa sa panimula ng isang kaganapan bilang pagbibigay galang sa mga namayapang katutubo. Maaari din itong ipahiwatig sa  pamamagitan ng talumpati, sayaw o smoking ceremony.

Katulad din ito ng  ‘Acknowledgement of Country’ ito ay napakahalagang  protocol sa pagtanggap na ginagawa sa mga natatanging tagpo o kaganapan.

“Ang 'Welcome to Country' ay ginagawa ng mga Custodians kung saan naroon ang mga Elder ng komunidad na iyon. Samantalang ang Acknowledgement of Country maaaring gawin nating lahat, itim at puti, saan man tayo nanggaling.

Ipinapakita namin na kami ay may kamalayan sa lupain at paggalang dito, at  kikilalanin at pasalamatan ang mga Custodians and Elders."

Saad pa ni Caroline Hughes, mahalaga rin na kilalanin ang mga makasaysayang nangyaring trauma na naranasan ng mga Aboriginal at Torres Strait Islander kapag tinatanong ang background ng isang tao.

“Hindi katanggap-tanggap na pag-usapan ang  kulay ng mata, buhok dahil ang ating mga anak ay pinalaki sa ating kultura, at iyon ang pinakamahalaga

Kung hindi man tanggap ng iba ang ating mga anak, sa atin sila ang regalo sa pamilya at komunidad kaya palagi silang tinatanggap."

Gayunpaman, sabi ni Thomas Mayor huwag matakot na magtanong kapag gusto pang malaman ng buo ang mga cultural protocols ng mga Indigenous Australians.

"Mainam na magtanong tungkol sa kung paano pinakamahusay na gawin ang mga bagay na may kaugnayan sa protocol sa mga Katutubo. At pagkatapos ang pinakamahalagang bagay ay makinig at tanggapin ang paliwanag at igalang."

Pahabol  na paalala naman ng Elder in Residence ng SBS na si Roberts sa lahat na ang ideya ng cultural protocol ay universal, ito’y tumutukoy tungkol sa pagpapahalaga, paggalang at pagkilala sa kapwa tao.

Ito ay tungkol sa pagkakaroon ng magandang kalooban at pakikiramay. Para sa akin bilang isang Widjabul woman ang protocol ay palaging bahagi ng aming buhay.

At sa patuloy na pagtangkilik nito ay nagbibigay ng natatanging kasiyahan. Ngunit tandaan sa paglubog ng araw, isa lang ang nangingibabaw dapat may mabuting kalooban at maipapakita ito sa pamamagitan ng  mabuting asal."


Share