Pakinggan ang audio:
LISTEN TO

Why are swimming skills so important for all Australians?
SBS Filipino
09:03
Taon-taon naglalabas ang Royal Life Saving Society Australia ng National Drowning Report o listahan ng mga biktima ng pagkalunod sa buong bansa.
At nakakapanglumo dahil karamihan sa mga biktima ay mula sa multicultural communities o migrante. At ang masaklap pa dito kulang sila sa kaalaman kung paano maging ligtas sa tubig.
Highlights
- Ang mga bagong dating sa Australia ay kadalasa'y nagiging biktima dahil hindi alam ang peligro na dala ng tubig gaya ng karagatan, ilog at lawa.
- Ang bansang Australia ay napaligiran ng tubig, dagat man ilog o lawa kaya importante ang kasanayan sa paglangoy at kung paano mailigtas ang sarili at iba
- ay isang programa na dinesinyo para magturo ng paglangoy sa mga hindi na bata o adult. Ang serbisyo nila ay nakatuon sa mga migrants.
“ Sa nakalipas na higit 10 taon sa buong Australia 35 per cent sa mga nalunod ay mula sa komunidad ng magkakaibang kultura at wika, ibig sabihin bago lang sila dito sa bansa o ang kanilang ay mula sa ibang bansa."
Ang Manager ng Diversity and Inclusion at Life Saving Victoria, na si Michael Masseni nakikipag-ugnayan na sila sa mga organisasyon at mga swimming schools para magturo kung paano lumangoy sa mga residente mula sa culturally and linguistically diverse communities o komunidad na mula sa magkakaibang kultura at wika.
Sa datos ng National Drowning Report, otsienta porsyento sa mga nalunod ay mga lalaki.
“Ang mga lalaki ay talagang risk-takers at hindi nila nakita ang dalang peligro kapag nasa tubig na sila. Lalo na hindi sila sanay dito at karamihan sa kanila ay bago lang dumating sa bansa."
Sa totoo lang marami ang nakikitang dahilan kung bakit marami ang nalulunod mula sa diverse na komunidad o sa madaling salita mga migrants.
Dahil karamihan sa mga batang dito na ipinanganak sa Australia ay may access sa school swimming program o nagtuturo ng paglangoy at kaligtasan sa tubig.
Marami din sa mga Australians ay naninirahan malapit sa dagat o tubig, o kaya may swimming pool dahil bahagi na ito ng kanilang libangan ang magtampisaw sa tubig.
At ito ang kaibahan sa mga komunidad ng maraming migrants.
Kagaya ni Sophia na lumaki sa Eritrea sa silangang bahagi ng Africa at lumipat sa Kenya bilang refugee.
Hindi sya marunong lumangoy at kulang kaalaman sa water safety ng dumating dito sa bansa.
“ Ilang beses lang akong napunta sa swimming pool bago ako dumating sa Australia kaya walang pagkakataon na matutong lumangoy kahit pa gusto kong matuto."
At sa pamamagitang ng programa ng Life Saving Victoria, Spectrum at Victoria University, nagsimula ito ng training sa swimming kahit hindi na bata.
“ Marami akong narinig na kagaya ako na taga-Eritreans na nalunod at namatay at nasa isip ko yon palagi. Pero ngayong may alam na ako nawawala na ang kaba. Kapag nasa pool ka kasi hindi mo alam ang dalang panganib dati wala akong alam na survival skill kahit paano pagpapalutang sa tubig."
Dagdag naman ni Jade Hanson, ang Marketing Manager ng AUSTSWIM.
Ang mga bagong dating dito sa Australia ay wala pang muwang sa nagbabadyang peligro ng dagat dahil sa taglay nitong rips o malakas at pabugsong galaw ng dagat. Ito ang dahilan ng maraming aksidente at pagkalunod.
Ang kawalan din ng tamang training sa paglangoy at kaalaman sa water safety ay may dalang banta sa kaligtasan ng bawat isa kapag pumupunta sa mga lawa at ilog.
“ Sa taong 2021, 26 porsyento ng mga namatay ay dahil naligo sa ilog o lawa , 22 per cent naman ang naligo sa dagat, at 15 per cent ang nalunod sa mga naligo sa daungan ng barko o harbour.
Delikado kapag naliligo sa mga malalayong lugar dahil una hindi alam ang lalim at agos ang tubig at pangalawa walang rescue kaya marami ang nabibiktima."
Ang bansang Australia ay napaligiran ng karagatan at naglalakihang daanan ng tubig, kaya importanteng matuto sa paglangoy.
Importante din ito para ligtas sa anumang ginagawa gaya ng pangingisda, pagsakay ng bangka, pagligo sa dagat, lawa o ilog at sa marami pang aktibidad sa tubig.
Samantala ang kaalaman sa water safety ay nagbibigay kamalayan ng bawat isa na maging maingat kapag nasa tubig.
Alalahanin din na dapat kapag maligo sa dagat kailangang lumangoy lang sa lugar na may flags, kailangang lumangoy ng may kasama at dapat may alam kung kailang ligtas lumangoy sa lugar.
Dahil kapag may alam dito higit pa sa isang buhay, ang mailigtas.
“Isa sa benepisyo kapag marunong kang lumangoy ay ligtas ang pamilya mo at hindi ka kabado kapag ikaw ang nababantay sa kanila kapag nasa tubig.
At maari ka ng mag-enjoy ng snorkling o kaya surfing. aA major benefit is keeping your family safe. So, if you’re confident in your own swimming ability then Maaari na ka ding lumahok sa mga local activities sa komunidad."
At para makahanap ng swimming program o magtuturo ng paglangoy , pumunta sa mga lokal na AUSTSWIM-recognised swim centre .
“ May mga swimming lesson para sa mga bata mula 6 months hanggang sa adults. May mga centres dna may one-on-one swimming lessons sa mga CALD. Mas maigi din pumunta sa AUSTSWIM website para kompleto ang impormasyon."
Ang average na bayad sa swimming lesson bawat sesyon ay nasa $19 hanggang $26, depende sa lokasyon ng pool at kung pang isahan o grupo ang training ng paglangoy.
Pero maaring makahanap ng partners o ma-subsidised ang bayarin kailangan lang komuntak sa inyong local migrant resource centre, council, o university.
Samantala nagbibigay ng pundo ang Royal Life Saving para pagturo sa paglangoy at water safety programs para sa mga residente na tinatawag na ‘at risk’ sa komunidad sa buong bansa, kasama na dito silang mga may edad na mula sa multicultural na komunidad, gaya ni Sophia.
“ Ang galing ng kanilang paraan sa pagtuturo simula basic skills sa paglangoy. Step-by-step ang proseso na ginawa nila sa akin at hindi mabilis ang proseso pero determinado ako na gawin yon at hindi ako nagkamali."
May isang programa pa na inilaan para sa mga hindi na bata o adults, tinatawag itong English Swimming
Una itong ginawa ng Navitas Skilled Future sa Bankstown at nakigpag-ugnay sa Different Strokes Swimming na nakabase sa Sydney , na isang learn-to- swim school para talaga sa mga hindi na bata.
At ang programang ito ngayon ay tumutulong sa mga migrants at refugee para matuto ng bagong kasanayan o skill para tumaas ang kompyansa sa sarili at mapalakas ang loob para lumaban sa buhay at maging inspirasyon sa iba.
At isa si Sophia sa mga magpapatutuo na sa tulong ng iba, kompyansa sa sarili at determinasyon, maaring mabago ang takbo ng kanyang buhay.
“Kung noong una ay natuto lang akong lumangoy ngayon nagtuturo na ako ng mga bata para lumangoy. Kaya ang saya ko dahil ngayon ako na ang nagbabahagi ng aking kasanayan, para maisalba din nila ang kanilang buhay at pati ng kanilang pamilya.
Namamangha ako na makita ang mga bata una natatakot sa tubig hanggang sa natuto na din silang lumangoy at nag-eenjoy, kaya para sa akin isang malaking karangalan na maging bahagi ng kanilang tagumpay."
Para sa karagdagang impormasyon para matutong lumangoy para sa kaligtasan ng buhay, bisitahan ang austswim.com.au at royallifesaving.com.au.