Ilang aplikante ng Skilled Regional 489 Visa, tatlong taon ng naghihintay sa desisyon

489 Visa Applicant Ivee Opada with her husband and daughter.

489 Visa Applicant Ivee Opada with her husband and daughter. Source: Ivee Opada

Ayon sa pamahalaan, prayoridad ang pagproseso ng backlog ng mga aplikasyon ng visa lalo na ang mga skilled, visitor at student visa.


Highlights
  • Ang 489 Visa ay para sa mga skilled migrant na makakapagtrabaho sa regional at ibang bahagi ng bansa na malaki ang pangangailangan sa manggagawa.
  • Libo-libo ang aplikasyon ng 489 visa noong 2019 dahil sa pag-aakalang walong buwan ang paghihintay.
  • Ayon sa pamahalaan, prayoridad ang isyu ng backlog sa visa applications at nagdagdagan na ng mga staff upang tugunan ang pagpoproseso.
Ang podcast series na 'Trabaho, Visa, atbp.' ay tinatalakay ang mga isyu at impormasyon sa migrasyon tuwing Huwebes sa SBS Filipino. 

Pakinggan ang audio: 
LISTEN TO
filipino_fcd7eeb4-95af-4dbd-b1af-92d02ec8991f.mp3 image

Ilang aplikante ng Skilled Regional 489 Visa, tatlong taon ng naghihintay sa desisyon

SBS Filipino

07:27
Ang gusto ko lang sana is from the Immigration or from the agent itself na parang may nag-a-update, how is it? Is it still going? Buhay pa ba yung application namin? Pero wala kasi kami naririnig.
Tatlong taon nang naghihintay ng desisyon sa kanyang Skilled Regional 489 Visa application ang Overseas Filipino worker mula sa Doha, Qatar na si Ivee Opada. 

Isa siya sa libo-libong aplikante noong 2019 kung saan batay sa website ay aabot ng walong buwan ang proseso ng taon na yun.

Ang trabaho niya bilang ICT Customer Support Officer ang kanyang nominated occupation na available lamang sa 489 Visa sa South Australia noong panahon na yun. 

Kahit na sa 65 points lang ang score, sinapalaran na ito ni Ivee pero aminado siyang may mga pagkakataong pinanghihinaan na siya ng loob at nawawalan ng pag-asa. 

“Hindi na namin siya pinapansin kasi the more na pinapansin, the more napu-frustrate to the point na when we lodged our visa in Australia, we came to a point na we stop everything here in Doha [Qatar] na parang hindi tayo kukuha ng kotse, hindi lilipat ng bahay kasi sayang maiipon, it can be set aside pag nandun na sa Australia. We were daydreaming na, we stop our life pero one year  past wala naman nangyayarri kasi life must go on,” kwento ni Ivee.
489 Visa Applicant Ivee Opada with her husband and daughter.
489 Visa Applicant Ivee Opada with her husband and daughter. Source: Ivee Opada
Habang naghihintay ay tintingnan ni Ivee kung ano pa ang ibang opsyon para sa kanya at kanyang asawa’t anak gaya ng pagpunta sa Canada o mag-ipon at umuwi ng Pilipinas. 

Pinili niya ang Australya dahil sa magandang kalidad ng pamumuhay at handa siyang maghintay sa desisyon ng gobyerno bagaman hiling niyang bigyan sila ng kahit kaunting impormasyon at hindi bulag sa kung anong nangyayari. 

Ayon sa tagapagsalita ng Kagawaran ng Home Affairs, ang gobyerno ay nakasuporta sa pagbangon ng ekonomiya ng Australya sa pamamagitan ng pagtugon sa kritikal na kakulangan sa manggagawa at suportahan ang mga industriya na mapanatili at kumuha ng mga skilled visa holder. 

Sa pahayag ng Minister for Immigration, Citizenship and Multicultural Affairs Andrew Giles, sinabi nitong prayoridad ang pagproseso ng backlog ng visa applications at inatasan na niya ang kagawaran na magdagdag pa ng mas maraming staff upang matugunan ang problema. 

Isinisi nito sa dating administrasyon ang pagpalo sa isang milyong aplikasyon na hindi pa napoproseso.

Iginiit din ng Ministro na uunahin ang aplikasyon na mga offshore o wala sa Australia lalo na ang mga nag-apply sa skilled visa, student at visitor.

Update as of 29 July 2023:  Ivee Opada's Regional 489 Visa application has been approved. 

Paunawa: Ang pangkalahatang paliwanag at impormasyon ay gabay lamang. Para sa dagdag na impormasyon at payo na naayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa isang abogado o registered migration agent sa Australia.

Share