Naglabas ng pahayag si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga taga-suporta bago sumuko sa kustodiya ng International Criminal Court.
Sa social media video post ng dating Pangulo habang nasa eroplano, sinabi nitong huwag mag-alala ang mga taga-suporta.
"To my countrymen, just to give you the current situation, I am about to land sa The Hague galing sa Dubai na stopover. It’s a long flight, okay lang ako. Do not worry,” saad ni Duterte.
Sinabi din niyang handa siyang managot at poprotektahan niya ang mga ito.
“I think this has something to do with the law and order noon at sinasabi ko naman sa mga pulis at military na trabaho ko ‘yun at ako ang managot.”
“So ito na nga… for all of the... whatever happened in the past, Ako na yung nag-front sa ating law enforcement pati military. Sinabi ko na I will protect you. Ako ang managot sa lahat.”
This will be a long legal proceeding. I say to you, I will continue to serve my country. So be it kung ganoon ang destiny ko. Salamat.Former Philippine President Rodrigo Duterte
Nauna nang inaresto si Duterte sa Maynila ng pulisya sa inihaing warrant mula International Criminal Court (ICC) kaugnay sa war on drugs.
Ayon sa ICC, nahararap ang 79-anyos na si Duterte sa kasong “crime against humanity of murder” na tinatantiya ng mga human rights group na pagkitil sa buhay ng libu-libong kalalakihan na karamiha’y mahihirap at nauugnay sa iligal na droga nang walang ebidensya.
Nang matanong naman ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa naging media briefing noong Martes kaugnay sa mga panawagan ng mass protest ng mga taga-suporta ni dating Pangulong Duterte, sinabi nitong ginagawa niya lang ang trabaho.
Again, the government is just doing its job. Wala namang (personalan), it’s not because it’s one person or another that we do the things that we do.Philippine President Ferdinand Marcos Jr.
“Maybe noong mga nakaraan na mga administrasyon, baka ganoon ang ginagawa. Pero sa akin, hindi naman ganoon. Sumusunod tayo sa batas. We are a member of the community of nations,” dagdag pa nito.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on and and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit or stream on , , , and