Limang kakaibang paraan para pumayat

Ito ang walang-katapusang tunggalian ng pagnanais pumayat at pagnanais sa huling piraso ng keyk. Habang ang diet at ehersisyo ang pinaka-epektibo sa pagpapapayat, ito ang lima pang kakaibang paraan upang magbawas ng timbang.

Other ways to lose weight

"Woman showing diet results, wearing her old big size jeans. Studio shot isolated on white.Similar images preview:" Source: Getty Images

1. Maglagay ng salamin sa harapan ng la mesa.

Mirror facing table
Do you really want to see yourself gobbling down your food? Source: Getty Images


Kapag nakaupo ka upang kumain, ang nakikita mo lang ay ang plato sa harapan mo at ang asawa mong kanina pang nakatunganga sa telepono.

Maaring ayaw mong makita ang itsura mo habang ngumunguya. O baka naman paalala ito ng iyong nais pumayat. Ang paglagay daw ng salamin sa harapan mo habang ika'y kumakain ay pipigil sa iyong kumain. Inilahad sa isang pagsusuri na nagbabawas ng isang-katlo sa tipikal nilang kinakain ang mga taong kumakain sa harapan ng salamin.

2. Magtali ng laso sa baywang bago kumain.

The ribbon spools
The many-coloured ribbon spools in the craft Source: iStockphoto


Gawin ang ginagawa ng mga taga-Pransiya.

May mga babae sa Pranses na nagsusuot ng laso sa kanilang mga baywang bago sila kumain. Natatago ang laso sa ilalim ng kanilang mga damit. Dahil sa laso, naiiwasan nilang kumain ng marami dahil sumisikip ito kapag lumalaki ang kanilang mga tiyan.

3. Tumingin sa kulay azul habang kumakain.

Blue meat on white plate
Blue steak - hungry yet? Source: Getty Images


Habang nagpapalakas ng kain ang mga kulay gaya ng pula at kahel, nagpapahina naman ng gana ang mga kulay gaya ng azul at kulay-abo.

Kulayan ng azul ang iyong dining room. O di kaya'y gumamit ng azul na sapin sa la mesa, at azul na plato at kubyertos. Maari mo ring kulayan ng azul ang pagkain mo. 

4. Huwag kumain habang nanonood ng action.

Person changing the TV station and reaching for potato chips
In as much as action movies get your heart pumping, they get your mouth munching. Source: Getty Images


Nakasaad sa Journal of the American Medical Association: Internal Medicine na sa mga taong kumakain sa harapan ng telebisyon, ang pinaka-madaming nakakain ay ang mga nanonood ng action. Ito ay dahil hindi nila napapansin ang dami ng kinakain nila habang sila'y nanonood ng palabas.

5. Amuyin ang mga ito.

Olive oil
Sniff olive oil, feel full. Source: Pixabay/stevepb CC0


Nakakabusog ang amoy ng extra virgin olive oil, habang ang mga matatamis na amoy gaya ng mansanas, saging at vanilla ay nakakahina ng gana.

BASAHIN DIN


Share
Published 10 August 2018 8:08am
Updated 28 January 2019 12:42pm
By Nikki Alfonso-Gregorio


Share this with family and friends