Limang dahilan para kumain ng kanin nitong katapusan ng linggo

Kung kinapos kang kumain ng maayos habang nasa trabaho ka, ito ang limang dahilan para mabusog ka naman nitong darating na katapusan ng linggo.

Rice

Forget the carb count. Eat rice this weekend. Source: Getty Images

Naging mahaba ang linggo mo, at ang kinain mo lang ay cereal at protein bar sa umaga, sandwich, tuna at biskwit sa tanghalian (na kinain mo pa sa mesa mo habang nagtatrabaho ka), at mga tira-na-dapat-tinapon-mo-na para sa hapunan.

Pero ang magandang balita ay katapusan na ng linggo! At oo, may oras ka na para umupo at kumain ng maayos.

Ito ang limang dahilan para kumain ng kanin ngayong Sabado't Linggo.

1. Kahit na anong –silog

Longsilog
Longganisa, fried egg and garlic rice Source: Wikimedia/Judgefloro CC0


Longsilog. Tocilog. Tapsilog. At kahit spamsilog.

Walang Pinoy na almusal na kasing-nakakatakam at nakakabusog kundi ang karne o isda na may kasamang itlog at sinangag. Maari mo ring ihain ang -silog ng may kasamang atchara. 

2. Arroz ala Cubana

Arroz ala Cubana
A perfect balance of sweet and savoury, the dish consists of ground meat, egg, fried bananas and rice. Source: Wikipedia/Jacob Sunol CC BY 2.0


Ang Arroz ala Cubana ay may giniling na may tomato sauce, kanin, itlog at piniritong saba.

Makulay at may balanseng kombinasyon ng tamis at umami, nakakabusog na ito para sa mata bago mo pa man makain ito.

3. Lugaw, goto and arroz caldo

Chicken congee (arroz caldo)
Arroz caldo is lugaw with chicken meat. Source: Alan Benson


Ano nga ba ang pagkakaiba ng lugaw, goto at arroz caldo?

Ang lugaw ay walang lamang karne, habang ang goto ay lugaw na may lamang-loob at ang arroz caldo ay lugaw na may manok.

4. Champorado

Dried fish and champorado
Champorado is perfect with dried fish. Source: Getty Images


Habang maari mong kainin ang champorado ng mag-isa, masarap itong ibagay sa tuyo.

5. Kakanin

Suman
Suman can be eaten with sugar or latik. Source: SBS Food


Puto. Biko. Kutsinta. Suman. Bicho-bicho. Sapin-sapin. At marami pang iba.

Ang kakanin ay may iba't ibang hugis, laki at kulay.

 

ALSO READ


Share
Published 3 August 2018 8:46am
Updated 10 August 2018 8:04am
By Nikki Alfonso-Gregorio


Share this with family and friends