Pinoy favourites: Maja Blanca

Ang Maja Blanca ay Filipino coconut pudding na may mais at latik sa ibabaw.

Maja Blanca

Maja Blanca is creamy, light and smooth coconut pudding topped with corn and toasted coconut. Source: Mary Jane Apron-Kaillis

Ayon kay Sydneysider Mary Jane Apron-Kaillis, hindi sila madalas magkita ng kanyang mga kapatid; ngunit, kapag nagkikita sila, siguradong laging may chikahan at pagkaing Pinoy.

"It reminds me of how Nanay used to welcome guests. Definitely with lots of good food. Nanay would definitely be proud of me knowing that I've learned heaps from her," aniya.

Ang isa sa mga pagkaing natutunan niya na ngayo'y bahagi na ng kanyang hapag-kainan ay ang Maja Blanca:

Mga sangkap

2 latang kakang gata
1 latang evaporated milk
1 latang condensed milk
¾ tasang asukal
1 latang sweet kernel corn, tanggalin ang tubig 
1 latang cornstarch
½ latang tubig

2 latang kakang gata, para sa latik

Paraan ng pagluluto

1. Gawin ang latik sa pamamagitan ng pagpapakulo sa kakang gata sa medium heat. Kapag kumulo na ito, babaan ang init. Haluin hanggang mag-curdle ito. Tostahin ito. Itabi.

2. Lagyan ng coconut oil ang ilalim at gilid ng isang baking dish.

3. Sa isang malaking pot, haluin ang kakang gata, evaporated milk, condensed milk at asukal. Haluin ng mabuti hanggang matunaw ang asukal. Pakuluin at haluin.

4. Idagdag ang mais at patuloy na lutuin ng dalawa hanggang tatlong minuto.

5. Sa isang maliit na bowl, haluin ang tubig at cornstarch. 

6. Idagdag ang cornstarch mixture sa milk mixture. Haluin hanggang matanggal ang mga buo-buo. Haluin hanggang maging paste-like ito.

7. Ilipat ang mixture sa prepared dish. Hayaang lumamig, takpan at ilagay sa refrigerator ng isa hanggang dalawang oras.

8. I-brush ang ibabaw ng coconut oil at lagyan ito ng latik.

BASAHIN DIN



Share
Published 1 March 2019 8:05am
By Nikki Alfonso-Gregorio


Share this with family and friends