Hindi tungkol sa lahi ang pagpapalaki ng biracial na anak

Pilipina si Versie Tamblyn. Ang asawa niyang si Warren ay Australyano. Ang mga anak nila ay biracial. Ninanais nilang lumagpas sa mga kategoryang ito.

Tamblyn family

[L-R] Warren and Versie Tamblyn, and their children, Jacquelyn, Bronwyn and Trewyn. Source: Versie Tamblyn

Nanirahan sa Thailand, Indonesia at Australya ang Pilipinang si Versie Tamblyn, ang kanyang Australyanong asawa na si Warren at ang kanilang mga anak na si Trewyn, Bronwyn at Jacqueline dahil sa trabaho ni Warren bilang geotechnical engineer. Bukas-pusong hinarap ng pamilya ang pakikipagsapalaran na ito.

Saad ni Ms Tamblyn na iba ang panahon noong bagong lipat sila sa Australya, 40 na taon ng nakalipas. Madaling tinanggap ang mga anak niya sa mga Asyanong bansang kanilang tinirhan; ngunit, hindi naging ganoon kadali ang pag-transisyon nila sa Australya. Pinagdiriwang na ni Ms Tamblyn and pagiging iba niya sa kanyang mga kaibigan sa Australya, ngunit noong una, hindi siya agad tinanggap bilang totoong Australyano. Sa mga anak niya, si Trewyn ang dumaan sa mga hindi kanais-nais na karanasan noong bata siya dahil Pilipina ang kanyang ina.

Naalala pa ni Ms Tamblyn noong panahon na nag-aaral si Trewyn sa isang boarding school sa Sydney. Madalas daw siya pag-initan ng isang kaklase dahil ang ina niya ay 'dirty parent who should go back to where she [came] from’.
“He suffered almost daily. The teachers did not do anything about it, hoping it would just go away."
Sinabihan niya ang kanyang anak na hindi dapat ito makipag-away, at humingi dapat siya ng tulong kapag sumusobra na ang kaklase niya. Ngunit, hindi tinugunan ni Trewyn and paalala niya. Nasuntok niya ang kanyang kaklase noong nagsalita itong muli laban sa kanyang ina. Ayon kay Ms Tamblyn, natigil ang pangungutya ng kaklase pagkatapos nangyari ang insidenteng ito.

“Everyone, including the staff, congratulated him for what he did,” ayon kay Ms Tamblyn ng binaggit niya kung paano siya dinepensahan ng kanyang anak.

Laking Australya na ang mga anak ni Ms Tamblyn, ngunit pinapahalagahan pa rin nila ang kultura ng 'bayanihan', at ang konsepto ng 'kuya'. Nirerespeto at pinapahalagahan ng dalawang nakababatang anak ni Ms Tamblyn and posisyon ni Trewyn sa pamilya.

Ngunit, higit pa sa kanilang pagiging anak ng Pilipina at Australyano, ang mga anak ni Ms Tamblyn ay pinalaki na maging bahagi ng mas malaking mundo. Tinuruan niya silang bigyan ng kahalagahan ang pagkatao ng iba imbis na tuunan ang kanilang itsura at lahi. Ayon kay Ms Tamblyn, ang mahalaga ay ang karakter, respeto at pagtiwala sa sarili. Mas importante ito para sa mag-anak kaysa sa kung ano ang itsura nila o saan sila galing.

Saad ni Ms Tamblyn na kahit hindi maiiwasan ang isyu ng lahi pagdating sa pagpapalaki sa mga biracial na anak, “At the end of the day, what is our goal as parents? Our goal as parents is to raise a very happy, peaceful, and self-respecting child.”

Masaya. matiwasay. May respeto sa sarili. Ito ang mahalagang mga tatak para sa pamilyang Tamblyn.

 

BASAHIN DIN

Share
Published 27 July 2018 8:17am
Updated 27 August 2018 3:24pm
By Nikki Alfonso-Gregorio


Share this with family and friends