Alamin ang buwis-buhay na karanasan ng dating DJ ng ABS-CBN pagdating dito sa Australia

Dating DJ ng ABS-CBN ngayon Head Chef na sa restaurant sa Australia

Dating DJ ng ABS-CBN ngayon Head Chef na sa isang restaurant sa Australia Source: Aldrin Dabuan

"Wala kaming pinipiling trabaho pagdating dito sa Australia, may mga panahong sa train lang ako natutulog dahil tatlo ang aking trabaho, hanggang nakahanap kami ng paraan para makita ang pathway para sa permanent residency at dito nga sa regional area ng New South Wales nahanap namin ang aming magandang buhay kasama ang anim na anak."


Highlights
  • Dating DJ sa ABS-CBN na si Aldrin Dabuan, walang pinipiling trabaho pagdating sa Australia. Naging trabahante ng water factory, cleaners, construction worker, dishwasher ngayon isa ng Head Chef ng isang restorant sa Young NSW
  • Tempe Caldwell, Manager ng S&JA cafe and Restaurant, napahanga sa galing at sipag ng dating DJ na si Aldrin Dabuan bilang Head Chef.
  • Susi ng tagumpay nya ang pananampalataya sa Diyos, sipag at determinasyon maabot ang pangarap
Ilang dekada ding namayagpag sa ere ang boses ni Aldrin Dabuan o mas kilalang 'Daddy Aldrin' sa ABS CBN MOR FM station sa Cagayan de Oro at buong North Mindanao.

Pero mas nakilala sya at binansagang Mister Palangga sa programa nitong 'Wanted Palangga', para sa mga naghahanap ng pangga. At taong 2013, winakasan nga ng amang DJ ang kanyang karera at nag-aral ng Business course sa Sydney, Australia.

Bagama’t alam nito na hindi magiging madali, ang pagsisimula sa ibang bansa, deteminado itong subukan para sa kanyang pamilya.

Aldrin Dabuan aka Daddy Aldrin kasama si Malvern Esparcia aka Berni BItok-Bitok sa MOR ABS-CBN FM Radio
Aldrin Dabuan aka Daddy Aldrin kasama si Malvern Esparcia aka Berni BItok-Bitok sa MOR ABS-CBN FM Radio Source: Aldrin Dabuan
" Maraming nagtanong bakit pa daw ako aalis, maganda naman ang buhay ko doon sa Pilipinas parang local celebrity nga daw ako eh, pero iniisip hindi kasi kayang gawin ng mga anak ko ang pwede kong gawin ngayon," kwento ng dating DJ na si Aldrin Dabuan.

Dalawang taon ang binuno ni Aldrin kasama ang asawang si Cherryl ang buhay na malayo sa mga anak. Dahil pursigido itong makuha ang mga anak, sinubukan ang maraming trabaho at nangyari ngang dalawa hanggang tatlo, ang kanyang trabaho habang nag-aaral.

"Nagwork ako sa water factory, construction at naglilinis ng building at kusina sa mga hotel para masipot ko yong mga trabaho ko sa train na ako natutulog, yon ang dahilan kung bagki nagbawas ako ng timbang ng husto," pangiting kwento ni Daddy Aldrin.
Aldrin Dabuan aka "Daddy Aldrin" bilang chef dito sa isang restaurant sa Sydney, Australia
Aldrin Dabuan aka "Daddy Aldrin" bilang chef dito sa isang restaurant sa Sydney, Australia Source: Aldrin Dabuan
Katuwang nya sa pagtatrabaho ang asawa pero nasubukan ang kanilang katatagan nang magbuntis si misis.

"So happy at the same time may kaba ng konti, paano ng lang may tuition ako, magpapadala pa sa PIlipinas, pero mas naging determinado ako at nagsipag, positibo sa buhay sabi ko ," dagdag pa ng dating DJ.

Dahil marami na ang responsibilidad ng mag-asawa, nariyan ang pagpapadala ng pera sa mga naiwang anak sa Pilipinas, pati renta sa bahay. Hindi nakatiis ang asawang si Cherryl kaya dumiskarte ito kahit ilang buwan pa lang ang anak.
Aldrin  Dabuan kasama ang buong pamilya sa Young, NSW Australia
Aldrin Dabuan kasama ang buong pamilya sa Young, NSW Australia Source: Aldrin Dabuan
"Every day off nga sabi nya, "Honey, maglilinis ako," (Cherryl) sabi ko kaya mo ba? kaya parang wala akong day-off kasi ako ang nagbabantay ng bata. Pero dumating ang panahon na kaming dalawa na ang naglilinis ng bahay  ginagawa namin nilalagay namin sa capsule yong baby namin, habang naglilinis kami nilalagay namin sa sofa yong baby namin," masayang pagbabalik tanaw ni Aldrin.

Inamin nito, namimiss nya ang trabaho na nasa media, pero kahit ni minsan hindi sumagi sa kanyang isipan na sumuko sa pinagdadaanan ng magsimula dito sa Australia.

"Ang importante makasurvive kami dito, ma-achieve natin yong goals natin kaya walang hiya-hiya kaya wala talaga kaming sinasanto na trabaho dito."
Aldrin Dabuan as a cook in Sydney, Australia
Aldrin Dabuan as a cook in Sydney, Australia Source: Aldrin Dabuan
Itinuring din nitong hulog ng langit ang mga kaibigang Pinoy chef ng asawa dahil sila ang nag abiso dito na dapat may pathway para sa permanent residency ang trabaho para hindi lang puro aral.

Sinabayan din nya Ito ng research, para alam ang susunod na mga hakbang. Kaya sinubukan na nyang pasukin ang trabaho sa kusina hanggang sinimulan na nga nya ang pagluluto. At kahit may alam na ito sa pagluluto dahil may negosyo itong restorant sa Pilipinas noon. Inamin ni Aldrin, hindi naging madali ang bago nitong karera.

"Habang naghuhugas ako ng pinggan, baso o  ano pang nilulutuan ung mga chef, ino-observe ko yong ginagawa nila at mga spices na ginagamit nila, inaaral at minemorised ko yon."
Aldrin Dabuan kids arrived in Sydney Australia year 2016
Aldrin Dabuan kids arrived in Sydney Australia year 2016 Source: Aldrin Dabuan
At matapos ang dalawang taon,unti-unti na ngang natutupad ang Kanyang pangarap, una nang makakuha ng sponsorship sa working visa bilang cook at nagsimula na din syang naging chef. At higit sa lahat,nakapiling na nya dito sa Australia ang mga anak na naiwan sa Pilipinas. Taong 2017 pumunta sa Regional New South Wales si Daddy Aldrin dahil nakahanap sya ng sponsorship sa kanyang Permanent Residency at 2019 sinagot ng Diyos ang kanilang panalangin na Permanent Residency dito sa Australia. Mula Chef , ngayon head Chef na sya sa isang Cafe and Restaurant sa Young, New South Wales. Kwento ni Daddy Aldrin, Di madali ang kanyang trabaho pero masaya ito at hindi din nya nakalimutang ibahagi ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng pagkaing Pinoy, gaya ng Chicken Adobo, Humba at dessert na Maja Blanca .
Some Filipino dishes introduced by Aldrin in the restaurant
Some Filipino dishes introduced by Aldrin in the restaurant. Source: Aldrin Dabuan
"Being a chef is fine. Kasi after work you home that's it, being head chef is a big difference, like it's a part of your life, part of your family as well ginagawa mo yong trabaho even at home, nag iisip at nagpaplano ka.

I introduced Filipino food pinatikim ko muna sa boss ko ang they said Aldrin put this in the menu and I did and it was a hit," masayang kwento nito.
Pork Humba with black rice by Aldrin Dabuan
Pork Humba with black rice by Aldrin Dabuan Source: Aldrin Dabuan
Dagdag pa nito, nagbunga ang kanyang paghihirap bilang head chef, nagustuhan ng mga customers ang kanyang mga ginagawa.

"May isang  big function dito sa restaurant namin, at halos mga puti yong mga customers and I was serving Filipino dish yong mga  feedback positive lahat, couple of tables,  long tables stand up at nagpapalakpakan at hinarap ako."

Bagay na sinang-ayunan ng kanyang mismong Manager nito na si Tempe Caldwell.

"Since Aldrin has  became the head chef here, there  has been a huge impact on the business, the menu he created so popular, he is an amazing ang talented chef ang he has helped  put together most outstanding kitchen team.

Aldrin has created most positive  hardworking and energetic atmosphere amongst the kitchen team which is so  important. He has introduced Filipino dishes that has been  extremely popular, " dagdag ni Caldwell.
Head Chef Aldrin Dabuan with son Chef Jayson and Manager Tempe Caldwell
Head Chef Aldrin Dabuan with son Chef Jayson and Manager Tempe Caldwell Source: Aldrin Dabuan
Sa ngayon, kasama na ni Daddy Aldrin ang panganay na anak na si Jayson, bilang chef , sa pinapasukang restaurant at may regular na trabaho na din sa isang aged care facility ang asawang si Cherryl.

At dahil sa karanasan dito sa Australia, nagtayo sila ng consultation agency sa Pilipinas para sa mga estudyanteng gustong pumasok dito sa Australia.

" Gusto namin i-share sa mga kababayan natin na kung kaya namin, bakit hindi nyo kaya. That's why we are putting up this business, a campaign at the same time telling them there's good news here."

May payo din si Daddy Aldrin sa mga estudyante na kumakayod ngayon dito sa Australia.

"Walang imposible kapag ang Diyos  na ang gagawa ng paraan para sa  iyo. Kung gusto mo maging resident dito, citizen gumawa  ka ng paraaan wag lang yong puro pera kasi  sometimes you need to sacrifice kung kikitaan mo sa future mo. Hanggang dyan lang kasi paso na naman ang visa mo, mag isip kayo if you need to go regional, go regional," dagdag pa nito.

Laking pasasalamat nito sa Diyos sa lahat ng biyaya, sa kanyang pamilya at mga kaibigan sa suporta hanggang maabot nila ang marami pa nilang pangarap sa buhay.

"Thankful ako dahil sa karanasan ko dito nagiging ganito ako ngayon," napaluhang sagot ng amang si Aldrin.
Aldrin with wife Cherryl in one of their memorable dates.
Aldrin with wife Cherryl in one of their memorable dates. Source: Aldrin Dabuan
Buong pasalamat naman ng asawang sa Cherryl dahil hindi bumitiw sa kanilang pangarap ang kanilang padre de pamilya.

"Me and your children  are so proud of you, he is our champion, our in-house chef. Sa tamang panahon ibibigay ni Lord ang pangarap natin. I'm so proud of you because you are now the President of the  Filipino community here in Young," dagdag pa ng asawa.

Ang karanasan ng dating DJ na ngayo'y isa ng head chef ay sumasalamin sa buhay ng maraming Pinoy na nangibang bansa. Pero kwento nga nya, sa awa ng Diyos naging posible ang lahat dahil pinaghirapan nya ang ambisyon nya para sa pamilya at sa sarili.

BASAHIN/PAKINGGAN DIN

Share