Highlights
- Nangako si Blessa, hindi hihingi ng tulong sa pamilya pambayad sa pag-aaral sa Australia. Dahil gusto nyang matuto at maging mature.
- Pinagsabay nito ang tatlong trabaho, habang nag-aaral. Unang trabaho ay tindera ng isda, naging waitress sa isang Chinese restaurant at naging taga-pick and pack ng mga malalaking kahon ng orders ng isang kompanya.
- Natapos nito ang Bridging course at naging ganap na Registered Nurse sa Australia. Ngayon isa sya sa Dialysis Nurse sa Liverpool Hospital, napatayo ang sariling bahay at nagkaroon na sya ng pamilya.
Taong 2014 nang makatungtong sa Sydney, Australia si Bless bilang international student. Pero di niya inakalang sasagarin pala ang kanyang determinasyon nang mapunta siya dito para mapatunayan sa sarili na kaya niyang tumayo sa kanyang sariling mga paa, at malayo sa kanyang mga magulang at pamilya.“Australia, abroad- I thought life here would be easy. But when I arrived, I realised dito sa Australia, iba pala, you need to work hard,” kwento ni Blessa.
Blessa during her Bridging course in Bachelors in Nursing Source: Blessa de Maria
Nagsimula ang kalbaryo nito nang ang lahat ng kanyang baong pera mula sa Pilipinas ay paubos na at kailangan na niyang humanap ng trabaho, para mabayaran ang tuition fee sa eskwelahan at bahay na tinutuluyan.
Pero talagang sinubok siya ng pagkakataon dahil kahit baon niya ang natapos na kurso at karanasan bilang dialysis nurse sa Davao City ng higit isang taon, nahirapan pa rin siyang makakuha ng trabaho. Kaya nang may nagbukas na oportunidad halos pinagsabay-sabay nya ang tatlong trabaho habang nag-aaral.
“Unang trabaho ko sa fish market. Sa Pilipinas, hindi ako nagpupunta sa fish market. Ni hindi ko alam yung mga klase ng isda sa palengke. Pagdating dito, ako yong nagtitinda ng isda. It’s very different from my life back home," aniya.
Blessa taking a pose with her co-league as a waitress in a Chinese restaurant Source: Blessa de Maria
Maliban sa pagbebenta ng isda, naging waitress sa isang Chinese restaurant ang dalaga at taga-kolekta at pack ng mga bag at ibang gamit sa malalaking kahon sa isang retail company. Ayon kay Blessa, dito nya naranasan ang ibig sabihin nang totoong “humble beginning” o pagsisimula sa wala.
Matapos ang apat na buwan, napagtanto ni Blessa mahirap magsimula ng buhay sa Australia. Lalong- lalo na dahil masyadong dependent ito sa kanyang pamilya.
“Pagdating ko sa bahay pagod na ako galing trabaho. Tapos kailangan kong maghanda ulit kinabukasan para pumasok. Balik ulit sa fish market, tapos mangangamoy isda ako. Nakakapanibago talaga," ayon kay Blessa.
“Side job ko pagkatapos magbenta ng isda sa fish market, sa Chinese restaurant naman. Babyahe ako mula Mt Druitt hanggang St Marys 30 minutes. Pagdating sa trabaho, di na ako makakaupo,” kwento ni Blessa.
Inamin din nito , baliwala sa kanya ang maliit na sweldo noon dahil gusto nyang makaipon pambayad sa eskwelahang pinapasukan.
"Nagwork ako sa factory as picker and packer , yun medyo malaki na ang sahod. Kasi as fish vendor at waitress mas maliit lang ang kita pero sige pa rin ako para makakaipon pa rin ako," dagdag ni Blessa.
Muntik na din siyang sumuko. Pinapauwi na din siya ng kanyang mga magulang sa Davao City. Pero di niya sinukuan ang pangarap sa sarili at ang kanyang pangarap para sa pamilya.
“Oo umiyak ako grabe…sabi ko naman sa kanila nasimulan ko na kaya kailangan kong tapusin. Sabi ng parents ko kung gusto kong umuwi, umuwi lang ako”, kwento ni Blessa.
Lumipas ang maraming buwan at dininig ang kanyang panalangin. Dahil ang pagtitinda pala nito ng isda sa palengke dito sa Australia ang magiging susi sa mas magandang oportunidad.
“Ang nakakatuwa pa yung manager ng nursing home, customer ko din sa fish market. Nakita niya ako dun and when I had my placement to do the assistant in nursing nagkita kami ulit. Sabi niya, pumunta ako sa facility para interview. Natuwa talaga ako kasi related na sa nursing yung experience ko. Kahit assistant in nursing yon, related na sa profession ko sa Philippines, " sabi ni Blessa.
Blessa Lambino finally became a Registered Nurse in Australia Source: Blessa de Maria
Sa tulong ng bagong trabaho, naitawid ni Blessa ang mahal na bayarin sa eskwelahan, at nagpatuloy sa kanyang bridging course sa nursing hanggang sa naging registered nurse siya dito sa Australia.
Pero di natapos ang kanyang pagsisikap dahil dadalawa ang kanyang trabaho, bilang nurse sa isang aged care facility at dialysis nurse naman sa ibang private na ospital. Kumuha din sya ng training para makamit ang gustong trabaho, at sa awa ng Diyos ngayon isa na syang dialysis nurse sa isang malaking pampublikong ospital sa Sydney.
May payo din siya sa lahat ng tulad nyang nangarap sa buhay at gustong mangibang bansa .
“Never give up kung may goal ka, Ikondinsyun mo yong mindset mo to pursue and work hard for it. At the end of the day pag na-achieve mo yon its really worth it, " payo ni Blessa.Kaya naman walang kasisidlan ng saya ang pamilya nito, lalong-lalo na ang kanyang Mommy na si Celina Lamibino na sobrang proud sa narating ng kanyang unica hija.
Blessa with her family in the Philippines Source: Blessa de Maria
“When she was a child, she was already an achiever determined and intelligent , very thankful to God for having daughter like Blessa, the name Blessa alone means is a blessing alone in the family, kung ano man ang narating nya ngayon she deserves it she humbly sacrifices all the wears and tears along the way to what she is now," sabi ni Mommy Celina.
Wedding of Blessa Lambino in the Philippines Source: Blessa de Maria
“I’m pregnant we have new house were building a family together and lahat ng sacrificses ko before, its all worth it," kwento ni Blessa.
Blessa de Maria will be a mum for the first time. Source: Blessa de Maria
BASAHIN AT PAKINGGAN DIN