Taong 2013 nang unang mapadpad sa Australia si Fernando Venturina Jr at sa tulong ng dating kaklase sa Pilipinas ay ay nakapasok ito bilang isang empleyado sa isang piggery farm. Matapos naman ang ilang taon ay kinuha na nito ang kaniyang pamilya.
Ngunit hindi naging madali ang ang desisyong ito. Dati na kasing mga ganap na beterinaryo ang mag asawa sa Pilipinas at dahil dito ay medyo alangan umano sila na magsimulang muli lalo pa at nasa ibang bansa sila.
Kuwento ng magasawa, nagsimula lamang sa maliit ang kanilang meatshop business pero dahil sa tulong ng mga kapitbahay at kaibigan ay napalago nila ito.Dahil sa patuloy na pagtangkilik ng mga mga Pinoy sa kanilng produkto, nagka lakas loob na silang kumuha ng puwesto at matagumpay na binuksan sa publiko ang meaty choices na matatagpuan sa dalawang lokasyon: una ay sa Malaga markets at ang ikalawang branch ay sa alexander heights shopping centre.Upang maibalik sa mga kapwa Pilipino ang mga pagpapala na kanilang natatanggap ay personal na desisyon umano nil na tulungan ang mga Filipino international students magkaroon ng trabaho habang nag-aaral.
Venturina family Source: Hazel Salas
DATING MGA BETERINARYO SA PILIPINAS, ISA NANG MATAGUMPAY NA NEGOSYANTE SA PERTH Source: Hazel Salas
Payo nila sa mga Pinoy na nais mag negosyo na huwag umanong mapanghihinaan ng loob at samahan ng pananalig at dasal upang unti-unting makamit ang pagwawagi ano man ang minimithi.