'Halos walang klase, attendance lang': Ang kwento ng Pinoy na biktima ng bogus o sham school sa Australia

SV PHOTO PROFILE.jpg

In 2022, SV Bernardo arrived in Australia as an international student. Fearing his dream of a better life for his family might be compromised, he bravely left his school and filed a complaint with ASQA and the Ombudsman. Credit: SV Bernardo

Para siguradong maka-enrol ang biktimang si SV Bernardo sa eskwelahan, mismong ang empleyado ng college ang nag-ayos ng kanyang student visa. Sa higit $18,000 na bayad sa eskwelahan nagtaka ang biktima dahil hindi pa ito tapos sa kursong Ageing Support.


Key Points
  • Si SV Bernardo ay dumating sa estado ng Victoria sa Australia taong 2022 bilang isang international student. Sa takot ma-kompromiso ang pangarap para sa pamilya dito sa Australia, naglakas-loob si SV na umalis sa eskwelahan at magsampa ng reklamo sa Australian Skills Quality Authority (ASQA) at Ombudsman.
  • Ayon sa Registered Pyschologist Donn Tantengco, mas mainam magtanong sa mga taong may firsthand experience bago magpasya.
  • Sa website ng education.gov.au mula Enero hanggang Disyembre ng taong 2024, naitala ang mahigit 1.09 milyon na international student enrolments sa Australia — mas mataas ito ng 15 porsyento kumpara sa kaparehong panahon noong 2019.
LISTEN TO THE PODCAST
SCAM FILES VISA EDUCATION SCAM image

'Halos walang klase, attendance lang': Ang kwento ng Pinoy na biktima ng bogus o sham school sa Australia

SBS Filipino

12:35
Ang bogus o sham school ay isang informal term na tawag sa isang eskwelahan na fake o fraudulent dahil walang tunay na educational activity.
Kung kayo ay nabiktima ng scam o anumang uri ng pang gagantso online, telepono o email, maari itong ireport sa ACCC o Australian Competition and Consumer Commission o tumawag sa Australian Cyber Security Hotline para kanilang maimbestigahan kahit pa mula sa ibang bansa ang scammer.

Mainam din na ireport ito sa mga pulis at ipagbigay alam sa inyong mga bangko.


📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on and and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit or stream on , , , and

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on and .

Share