KEY POINTS
- Habang tumatagal ang kanilang pag-uusap online, ipinakilala ng babae kay Eman ang isang umano'y platform para sa pamumuhunan sa cryptocurrency. Ipinakita sa kanya ang mga pekeng kita at hinikayat siyang magdagdag pa ng puhunan. Matapos magpadala ng 500 AUD (ang kanyang unang sahod sa Australia) ay na-block si Eman, at tuluyan nang naglaho ang babae.
- Ayon sa Scamwatch Australia, mahigit $23.5 milyon ang nawala sa mga biktima ng romance scam sa loob lamang ng isang taon. Ginagamit ng mga scammer ang emosyonal na manipulasyon upang mahikayat ang mga tao na mamuhunan sa mga pekeng cryptocurrency platform. Ito ay nagsisimula sa maliit na halaga bago sila pilitin na maglabas ng mas malaking pera.
- Ayon sa psychologist na si Dr. Donn Tantengco, hindi lamang pampinansyal ang epekto nito sa mga nabiktima, kundi naaapektuhan din ang kanilang pang-emosyonal na kalusugan.
LISTEN TO THE PODCAST

Swiped and scammed: How a dating app romance took a man’s first paycheck
SBS Filipino
11:24
Kung kayo ay nabiktima ng scam o anumang uri ng pang gagantso online, telepono o email, maari itong ireport sa ACCC o Australian Competition and Consumer Commission o tumawag sa Australian Cyber Security Hotline
para kanilang maimbestigahan kahit pa mula sa ibang bansa ang scammer.
Mainam din na ireport ito sa mga pulis at ipagbigay alam sa inyong mga bangko.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on and and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit or stream on , , , and