Inheritance scam victim: 'Kahit na alam kong mali, hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagpapadala ng pera'

Renato Calalang falls victim to an inheritance scam

'Para akong na-hypnotise' pag-amin ni Renato Calalang na naging biktima ng inheritance scam.

Na-scam ng $150,000 na dahan-dahang pinadala sa loob ng 17 transaksyon si Renato Calalang mula sa Melbourne nuong nakaraang taon.


KEY POINTS
  • Sa pamamagitan ng email, pinaalam diumano ng scammer na si “Steve Golds” na kwalipikado si Calalang na mag-mana ng malaking halaga dahil sa isang kamag-anak umano niya na pumanaw na mula sa Europe.
  • Ang unang transaksyon na pinadala sa scammer ay $1700 AUD na pinadala ni Calalang sa bangko sa Pilipinas, matapos siyang utusan nito na magbukas ng account. Nasundan pa ito ng 16 pang transaksyon hanggang sa naubos ang ipon ng biktima.
  • Bukod sa pagsumbong sa mga otoridad, nag -hain na rin ng formal complaint sa kanyang bangko si Calalang dahil tila hindi ito inalagaan o binigyan ng babala na baka kwestyonable ang transaksyon ginagawa niya; kahit pa umabot na sa 40 years na kliyente ng naturang bangko ang biktima.
Abangan ang 'May PERAan' tuwing Martes. Ito ang podcast series kung saan tampok ang iba't-ibang paraan upang kumita ng pera.
PAKINGGAN
MP INHERITANCE SCAM image

Inheritance scam victim: 'Kahit na alam kong mali, hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagpapadala ng pera'

SBS Filipino

09:12
Para sa impormasyon para makaiwas o i-report ang scam, puntahan ang

Disclaimer: Ang mga impormasyon sa artikulong ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa mga eksperto sa usaping legal, pampinansyal, at pagbabayad ng tax.

Kung may nais kayong itanong kaugnay sa  pag-iipon, mortgage, insurance, negosyo at iba pa, mag-email sa [email protected]  o mag-message sa aming Facebook page.

Share