Pamilya ng mga OFW sa Pilipinas, target ng mga scammer na nagpapanggap na empleyado ng Philippine Embassy

scam in the Filipino community

The Philippine Consulate General in Sydney has issued an urgent advisory warning the Filipino community about a scam involving individuals impersonating consular officials to extort money from unsuspecting victims.

Idinetalye ng isang kababayan mula Sydney ang panlolokong naranasan ng kanyang pamilya mula sa mga scammer para maging babala sa iba. Target ng mga manloloko ang kaanak na nasa Pilipinas kung saan nagpapanggap silang empleyado ng Philippine Consulate o Embahada upang makakuha ng pera.


Key Points
  • Ayon sa biktima na si Mark Gayo, mabilis na nahulog sa modus ang kanyang mga magulang sa Pilipinas, na natangayan ng PHP 40,000. Ang insidente ay nagdulot hindi lamang ng kawalan ng pera kundi pati ng matinding trauma sa kanilang pamilya.
  • Kwento ni Mark, isang tao na nagpakilalang empleyado ng Philippine Consulate Office sa Australia at abogado mula sa Philippine Embassy ang tumawag sa kanyang magulang at sinabing siya ay nasangkot sa isang malagim na insidente sa trabaho.
  • Agad nagpalabas ng public advisory ang Philippine Consulate General sa Sydney upang bigyan ng babala ang mga Pilipino laban sa ganitong uri ng panloloko. Sa kanilang pahayag, binigyang-diin ng Konsulado na hindi sila kailanman tatawag o hihingi ng pera sa sinumang Pilipino na nangangailangan ng emergency assistance.
PAKINGGAN ANG PODCAST
SCAM VICTIM MJ GAYO FILIPINO image

Pamilya ng mga OFW sa Pilipinas, target ng mga scammer na nagpapanggap na empleyado ng Philippine Embassy

SBS Filipino

03/03/202514:52
Advisory from PCG Sydney
Konsulado, nanawagan sa publiko na maging mapanuri sa pekeng tawag at mensahe.

Share