Scam Files: Bakit maraming matatanda ang nabibiktima ng scam sa Australia?

Grandparents

Sa episode na ito, aming ibabahagi ang ilan sa mga lumalaganap na scam sa komundad, mga paraan kung paano nilang pinupuntirya ang mga biktima lalo na ang mga nakakatanda at paano ka makakaiwas sa mga ito.


Key Points
  • Ayon sa Scamwatch Australia, umabot sa $318.8 milyon ang naitalang pagkalugi sa iba't ibang uri ng scam noong 2024. Ang mga nakatatandang may edad 65 pataas ang may pinakamalaking halaga na nawala, na umabot sa $99.6 milyon.
  • Paliwanag ni James Roberts, mula sa Group Fraud ng CommBank, sa kanilang research isa lang sa apat na senior ang kumpyansa na matukoy kung scam ang isang transaksyon.
  • Karaniwang modus ng mga scammers ang pagpapanggap bilang opisyal o representative ng isang kumpanya o bilang kawani ng gobyerno.
PAKINGGAN ANG PODCAST
FILIPINO SCAM FILES EPISODE 1 EDINEL image

Scam Files: Bakit maraming matatanda ang nabibiktima ng scam sa Australia?

SBS Filipino

01/04/202510:50
Madalas ka bang makatanggap ng text o tawag mula sa mga numero na hindi mo kilala?

O kaya naman ay mga email na may pagbabanta na nanghihikayat na pumunta sa isang link o website para sa mahahalagang pinansyal na transaksyon?

Bago mo yan pindutin, huminga munang malalim at mag-isip isip, dahil baka di mo namamalayan, nahuhulog ka na sa isang scam.

Kung kayo ay nabiktima ng scam o anumang uri ng pang gagantso online, telepono o email, maari itong ireport sa ACCC o Australian Competition and Consumer Commission o tumawag sa Australian Cyber Security Hotline para kanilang maimbestigahan kahit pa mula sa ibang bansa ang scammer.


Mainam din na ireport ito sa mga pulis at ipagbigay alam sa inyong mga bangko.


📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on and and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit or stream on , , , and

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on and .

Share