Koponan ng mga batang manlalaro ng basketball sa Australia, sasabak sa 2024 NBTC tournament sa Pilipinas

Copy of PHOTO (5).jpg

Some of the players representing Homegrown Basketball Australia in the NBTC 2024. Photo by: Homegrown Basketball Australia/Melbourne Hoops Ltd.

Get the SBS Audio app

Other ways to listen


Published

Updated

Presented by Marco Antonio Tamayo
Source: SBS


Share this with family and friends


Dumayo sa Pilipinas ang mga batang Filipino-Australian basketball players para sa National Basketball Training Center (NBTC) Finals 2024 at Manila Live Tournament ngayong Marso. Pakinggan ang mga paghahandang kanilang ginawa sa episode na ito ng Kwentong Sports.


Key Points
  • Ang National Basketball Training Center (NBTC) 2024 Tournament ay gaganapin sa Maynila, mula Marso 13 hanggang 24.
  • Bagaman mahalaga ang kasanayan sa dribbling, shooting, at pagpasa ng bola, ang lakas at kondisyon ng katawan ay kailangan ng manlalaro para mapataas ang kanilang potensyal at maiwasan ang injury.
  • Ibinahagi ng basketball coach na si Ernie Camacho na dapat bigyang-pansin ang pahinga ng manlalaro upang maiwasan ang burnout mula sa sobrang pagsasanay.
Ang NBTC ay isang programa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. na layuning makilala at paunlarin ang mga batang manlalaro. Nagsimula ito bilang isang programa ng pagsasanay para sa mga pambansang koponan ng Pilipinas at ngayon ay kasama na rin ang NBTC League, na nagtatampok ng mga pangunahing koponan ng high school sa buong bansa at maging sa internasyonal mula noong 2016.

basketball fil aus
fil aus team
Bilang kinatawan ng Homegrown Basketball Australia, ang mga Fil-Aussie teams, kabilang ang 14U, 16U, 19U, at koponan ng mga babae, ay makikipaglaban sa mga pangunahing basketball team mula sa iba't ibang bansa.
Ernie Camacho
Ernie Camacho, a proud father and coach, expressed his joy in his son Mitchell's achievements. The duo has been tirelessly practicing and training every day to ensure Mitchell is fully prepared for the upcoming challenge.
Sa isang panayam, ibinahagi ni Mitchell Camacho, manlalaro at forward ng U14 Victoria team, kasama ang kanyang ama na isa ring coach, na si Ernie Camacho, ang kanilang paghahanda para sa torneo sa Maynila.

Sa podcast na ito, tinalakay namin ang kahalagahan ng pagpapalakas at pagkondisyon ng katawan para sa mga batang manlalaro ng basketball at ang mga ideya sa epektibong pamamaraan sa pagsasanay.

LISTEN TO THE PODCAST
KWENTONG SPORTS BASKETBALL MARCO image

'Always dream big': Fil-Aussie basketball team sets sights high for 2024 NBTC tournament in Manila

SBS Filipino

15:38

Share