Ano ang Order of Australia, at sino ang ilang migranteng Pilipino na kinilala sa listahan ng mga parangal?

Several Filipino Australians have been inducted into the Australian Honours List over the past few decades.

Several Filipino Australians have been inducted into the Australian Honours List over the past few decades, receiving the Medal of the Order of Australia (OAM) for their service to the community. Credit: Supplied

Bawat taon, kinikilala ng Australia ang mga indibidwal para sa kanilang natatanging serbisyo at mga nagawa sa pamamagitan ng Order of Australia. Sa nakalipas na ilang dekada, ilang Pilipino na ang nakatanggap ng pagkilala. Kilalanin ang mga natatanging Pilipino Australyano na tumanggap ng parangal.


Key Points
  • Ang Order of Australia ay isang hanay ng karangalan sa Australia na kumikilala sa mga mamamayan para sa natatanging tagumpay at serbisyo sa komunidad.
  • Mula sa serbisyo para sa mga migrante, kababaihan, komunidad, edukasyon, social justice, palakasan at kawanggawa, mayroon nang hindi bababa sa walong Pilipino Australyano ang ginawaran ng Medal of the Order of Australia sa nakalipas na ilang dekada.
  • Unang pinarangalan ng OAM ang yumaong abogado na si Lolita Farmer noong 1981. Taong 1991 naman ng tumanggap ng OAM ang educator at manunulat na si Reynaldo Juanta.
  • Sa NSW, nagawaran rin ng OAM sina Deborah Ruiz-Wall (2004), Manny Castillo (2009) at Jose Relunia (2020); Sa ACT, kinilala si Maria Lourdes 'Noonee' Doronilla (2015), South Australian Robert Andrew Hernandez, at Tasmanian Rachel Bessant (2019).
  • Tumanggap naman ng gawad bilang Member of the Order of Australia sina John Rivas AM (2016), Agnes Whiten AM (2018) na ginarawan rin ng OAM (2002) at ang South Australian na si Carmen Garcia (2024).
LISTEN TO THE PODCAST
Filipino Australian recipients of the Australian Honours overs the years  image

What is the Order of Australia, and who are some of the Filipino migrants recognised in the honours list?

SBS Filipino

27/01/202535:01
Itinatag noong 1975 ni Queen Elizabeth II, ang Order of Australia ay hanay ng parangal sa Australia na kumikilala sa mga mamamayan para sa natatanging tagumpay at serbisyo sa komunidad.

Ang Order of Australia ay may apat na antas ng parangal - ang Companion of the Order (AC), Officer of the Order (AO), Member of the Order (AM) at ang Medal of the Order (OAM).

Sa nakalipas na mga dekada, ilang pinunong Pilipino ang kabilang sa mga nakatanggap ng mga parangal kabilang ang AM at OAM.

John Rivas AM (2016)

Ang matagal na nagsilbi bilang Philippine Honorary Consul-General ng Northen Territory na si Januario "John" Rivas ang kauna-unahang Pilipino na tumanggap ng karangalan bilang Member of the Order of Australia (AM).

Taong 2016 nang igawad ang pagkilala para sa lahat ng kanyang nagawa para sa pagtulong sa mga migranteng Pilipino at pagsulong ng mga baylateral na ugnayan sa pagitan ng Northern Territory at Australia at Pilipinas sa palakasan, edukasyon, kalakalan, at negosyo.

Hangad ni Ginoong Rivas na maging isang inspirasyon sa mga kapwa Pilipino-Australyano sa paglilingkod sa komunidad at paggawa ng kaibahan sa lipunan.
Hon. Consul-General John Rivas
Philippine Honorary Consul-General in Northern Territory, John Rivas AM.

Agnes Marquez Whiten AM, OAM (2018, 2002)

Ang taga-Queensland na si Agnes Whiten ay tumanggap ng parangal bilang Member of the Order of Australia (AM) noong 2018 para sa kanyang makabuluhang serbisyo sa multikultural na komunidad ng Queensland sa pamamagitan ng hanay ng mga organisasyon, at sa pagsulong ng pagkakaiba-iba ng kasarian.

Ginawaran si Agnes Whiten bilang bahagi ng Queen's Birthday 2018 Honours List.

Bago ang kanyang AM award noong 2018, nauna nang kinilala si Whiten noong 2002, kung saan tinanggap niya ang Medal of the Order of Australia (OAM) para sa kanyang paglilingkod sa komunidad, partikular sa mga larangan ng mga gawain at ugnayan ng mga kababaihan at multikulturalismo. Ang pagkilala ay bahagi ng Queen's Birthday 2002 Honours List
Agnes Whiten AM, OAM
Queenslander community leader Agnes Whiten has been recognised twice under the Order of Australia, receiving the Medal of the Order of Australia in 2002 and the Medal of the Order of Australia (AM) in 2018. Credit: Agnes Whiten (Facebook)
Siya ay kilalang lider hindi lamang sa komunidad Pilipino kundi sa mas malawak na komunidad ng Queensland, nagturo sa maraming mga migranteng lalaki at kababaihan na bumuo ng kanilang mga karera at negosyo.

Dating nagtrabaho bilang Women's Advisor sa Catholic Arch Bishop of Brisbane, ganundin sa Ethnic Communities Council of Queensland, siya ay dating Research Project Coordinator sa University of the Philippines (UP) Diliman sa Pilipinas at nagtapos ng kursong Metallurgical Engineering sa UP Diliman.

Carmen Garcia AM (2024)

Kasama sa 1,042 na tumanggap ng mga parangal noong 2024 ang diversity and inclusion advocate at kasalukuyang Philippine Honorary Consul to South Australia na si Carmen Garcia na ginawaran ng Member of the Order of Australia (AM).
Carmen Garcia AM is the founder and CEO of Community Corporate, a nationwide diversity and inclusion firm.
Carmen Garcia AM is the founder and CEO of Community Corporate, a nationwide diversity and inclusion firm. Credit: Community Corporate (Facebook)
Kinilala siya para sa kanyang mahalagang serbisyo sa multikultural na komunidad sa pamamagitan ng mga pagtataguyod at programa sa diversity at inclusion.

Si Carmen Anne Garcia ang founder at chief executive officer ng Community Corporate.

Lolita Farmer OAM (1981)

Taong 1981 nang tinanggap ni Lolita Farmer ang Medal of the Order of Australia para sa kanyang serbisyo para sa komunidad migrante partikular sa mga isyu kaugnay ng mga kababaihan, childcare, at pamamahayag sa radyo.
The OAM is not mine alone, it belongs to the community.
The late Atty Lolita Farmer
Kinikilala ng yumaong abogado mula New South Wales ang pagkakaiba ng mga tao sa Australia lalo pa nga ay marami ang nagmula sa iba't ibang kultura at wika.

"Our diverse insights enrich the projects and the meaning of what we do," ani Mrs Farmer.

Nagpapasalamat siya sa suporta ng komunidad Pilipino sa mga adbokasiya na kanyang sinimulan at sa mga proyekto na kanyang pinangunahan.

"I am very thankful to all who have travelled with me all along the way - to those who have helped and even those who didn’t. At least we can say, from within the Filipino community some got to be recognised.

"The Filipino community is one that I would say is very united in a common purpose - that is to benefit the welfare not only of Filipinos but the whole society of Australia."

Maaari aniyang maipagmalaki na may ambag ang mga Pilipino sa pag-unlad ng Australia.

Malaki rin ang naging papel ni Mrs Farmer para sa pagtataguyod na maisama ang programang Pilipino sa SBS Radio noong taong 1978.

Dr Dante Juanta OAM (1991)

Isang guro at propesor sa Pilipinas bago nanirahan sa Australia, si Dr Reynaldo "Dante" Juanta ang unang Pilipino mula sa South Australia na nagawaran ng titulong OAM noong 1991.

Kinilala sa kanyang serbisyo sa edukasyon, multikulturalismo at serbisyo sa komunidad Pilipino.

Para kay Dr Juanta, ang karangalan na kanyang natanggap ay ipinagpapasalamat niya sa Maylikha at sa mga taong sumusuporta sa kanyang mga adhikain mula nang manirahan ito sa Australia simula taong 1973.

Deborah Ruiz-Wall (2004)

Isang mamamahayag at manunulat si Deborah Ruiz-Wall mula Sydney ay ginawaran ng OAM award noong 2004 para sa serbisyo sa komunidad sa larangan ng panlipunang katarungan, nagsulong ng pagkakasundo, at multikulturalismo.

Ipinagpapatuloy niya ang kanyang mga adbokasiya para sa mga kababaihan, pagtataguyod ng pagkakasundo sa pagitan ng mga Indigenous at non-indigenous Australian.

Ginagamit niya ang iba't ibang tula, kasaysayan na isinalin sa ibang wika at anumang panulat upang makapagbigay ng kamalayan sa mga tunay na nangyayari sa ating paligid.

Naniniwala si Ruiz-Wall na ang "edukasyon at serbisyo sa mga tao ay hindi natatapos at hindi dapat na matapos dahil tayo ay palaging nahaharap sa mga pagsubok at hamon."

Manny Castillo OAM (2009)

Ang dating pangulo ng Philippine Australian Sports and Culture na si Manny Castillo ay nabigyan ng parangal na Medal of the Order of Australia noong 2009.

Kinilala siya para sa kanyang mga ginawa para sa pagtataguyod ng kultura, palakasan at serbisyo sa komunidad.

Sinabi ng lider ng komunidad mula NSW, na "hindi ko ipinagmamayabang ang parangal na ito, bagkus ay itinuturing na isang pagkilala sa aking mga nagawa para sa komunidad".

Noonee Doronilla OAM (2015)

Taong 2015 nang magawaran ng Medal of the Order of Australia (OAM) ang Canberran na si Maria Lourdes "Noonee" Doronilla.

Kinilala siya sa kanyang mga nagawa para sa serbisyo sa komunidad sa larangan ng social welfare at mga kultural na organisasyon sa Victoria at ACT.

At sa patuloy niyang serbisyo sa komunidad, bahagi siya ng mga proyekto at mga grupo na nagtataguyod para sa kalusugan ng mga kababaihan, kapakanang pantao, kultura at sining.

Robert Andrew Hernandez OAM (2018)

Kinilala naman si Robert Andrew Hernandez para sa kanyang mahigit dalawang dekada na pagse-serbisyo para sa mga migranteng Pilipino sa Queensland at ginawarawan ng Medal of the Order of Australia (OAM) noong 2018.

Ang gawad kay Ginoong Hernandez ay kabilang sa Queen's Birthday 2018 Honours List.

Naging bahagi ng iba't ibang organisasyon na tumutulong sa mga kabataan at multikultura na komunidad sa Queensland.

"It's always been within my nature to be helpful to others. I was always batting for the underdog," ani Hernandez.

"I was naturally drawn to human services. When I came to Brisbane, I immediately joined the Migrant Resource Centre in West End, I was a volunteer there and I was helping out with groups, men's groups, and youth groups among others."

Nagtrabaho sa youth service kasama ng Logan Migrant Community Centre noong mga 1990s. Nagsilbi rin bilang sa isa sa mga founding member ng Diverse Community of Australia.

"Not long after I was offered to run a multicultural youth conference, which was the first time ever done in Queensland. It was a massive project that involved youth and community organisations in Queensland.

Rachel Bessant (2019)

Ang mapagkawanggawa na si Rachel Bessant mula sa Launceston, Tasmania, ay ginawaran ng Medal of the Order of Australia (OAM) sa General Division noong 2019.

Kinilala siya para sa kanyang serbisyo sa mga bata sa Pilipinas.

Itinatag ni Rachel ang Filipino Needy Children Fund Inc, na hangad niya na magbibigay ng tulong sa maraming mga bata at mga tao na labis na nangangailangan sa Pilipinas.
Walang tigil ang pagkilos niya para patuloy na makalikom ng pondo para sa mga biktima ng mga sakuna sa Pilipinas at maging sa Australia.
Filipino Needy Children Fund's Rachel Bessant
Rachel Bessant (right) with co-volunteer and charity supporter Martha Beard (left) with Mayor of Launceston Abert Van Zetten. Source: Supplied
Jun Relunia OAM (2020)
Kilala sa kanyang aktibong paglilingkod sa mga kababayang Pilipino sa New South Wales, si Jose "Jun" Relunia ay tumanggap ng Medal of the Order of Australia noong 2020.

Pinarangalan para sa sa kanyang halos 40 taon na pagse-serbisyo sa komunidad Pilipino sa New South Wales.
Jun Relunia
Community leader Jose 'Jun' Relunia during one of the community events in Sydney. Credit: SBS Filipino/Annalyn Violata
Nagpapatuloy ang ngayo'y 76-anyos na lider sa kanyang mga gawain para sa komunidad Pilipino kabilang na ang pangunguna para sa kapakanan ng mga matatandang kababayan, pagtataguyod ng kultura, sining at iba pa.

Taong 1981 nang lumipat sa Australia si Ginoong Relunia sa edad na 32.

Dr Zenaida Sicat Edwards OAM (2020)

Ang Architectural historian at award-winning author at cultural heritage at human rights advocate na si Dr Zeny Edwards ay tumanggap ng Medal of the Order of Australia (OAM) para sa kanyang paglilingkod sa komunidad, at sa pangangalaga ng mga pamana.

Si Dr Edwards ay nagsilbi sa iba't ibang mga pangunahing tungkulin kabilang ang pagiging direktor ng Peace Program ng United Nations Association of Australia (2013-2018); Presidente ng Institute for Global Peace and Sustainable Governance (2021 hanggang sa kasalukuyan), chair ng UN Women Australia NSW (2011-2013), at presidente ng National Trust of Australia (NSW) noong 2006 - 2008, at iba pa.
Dr Zeny Edwards
Dr Zeny Edwards OAM (middle) poses with Filipino community leaders Josie Musa and Albie Prias in an International Women's Day celebration in 2023. Credit: SBS Filipino
Nagkapaglathala ng ilang talambuhay at kasaysayan ng arkitektura kasama ang kanyang komitment sa paglilingkod sa komunidad at pangangalaga ng pamana.

Ginawaran siya ng OAM bilang bahagi ng Australia Day 2020 Honors List.

Tomas Santamaria OAM (2020)

Ang taga-Victoria na si Tomas Santamaria ay ginawaran ng Medal of the Order of Australia sa General Category noong 2020 para sa kanyang serbisyo sa volleyball.

Si G Santamaria ay malawak na itinuturing bilang 'godfather' ng volleyball sa Victoria, sa kanyang impluwensya na humubog sa isport sa hanay ng mga henerasyon. Ang kanyang legasiya ay nananatiling isa sa pinakamahalaga sa kasaysayan ng Victorian volleyball, at siya ay patuloy na isang pangunahing pigura sa sport development sa Australia.

Ginampanan niya ang mahahalagang tungkulin sa pagbuo at pagsulong ng volleyball, pinangunahan niya ang Federation International Volleyball mula 1993 hanggang 2013 bilang Coaching Instructor, at President's Liaison Officer para sa Sydney 2000 Games.
Tomas Santamaria OAM with his four sons.png
Mr Tomas Santamaria (middle), posed for a photo with his four sons, during the investiture for his Order of Australia (OAM) held on December 9, 2020, at the Governor’s House in Melbourne, Australia. Credit: Asian Volleyball Confederation
Ang kanyang paglahok at pamumuno sa sport ng volleyball sa Victoria ay nagsimula noong mga taong 1970 nang siya ay Coaching Director para sa Volleyball Victoria mula 1977 hanggang 1993, head coach para sa State Senior Men and Women Teams mula 1980 hanggang 1993; at Chairman ng Referee Commission sa pagitan ng 1983 at 1993.

Kasama sa iba pang mahalagang tungkulin ay noong panahon niya sa Volleyball Australia kung saan siya ay Senior National Men's Team Head Coach (1986-1989), at Junior National Teams Assistant Coach (1980). Kinilala rin siya sa panahong ito, na tumanggap ng Distinguished Service Award noong 1989 at Merit Award noong 1993.

Siya rin ay naging Kalihim ng Coaches Commission sa Asian Volleyball Confederation, mula 1993 hanggang 2013; Head Coach para sa Victoria Institute of Sport (1992-19960, at Honorary President of Heidelberg Volleyball Club.

Si Santamaria ay kabilang sa Australia Day 2020 Honours, ngunit makalipas lamang ng siyam na buwang paghihintay nang personal niyang matanggap ang kanyang OAM award noong Disyembre 9, sa Gobernador's House sa Melbourne, Australia.

Virginia Pitts OAM (2023)

Ang Western Australian na si Virginia Pitts ay ginawaran ng Medal of the Order of Australia (OAM) noong 2023 sa General Division para sa kanyang serbisyo sa multikultural na komunidad ng Peel region.

Si Ginang Pitts ay ang pangulo ng Peel Multicultural Association Inc. at nagtatrabaho sa non-profit na organisasyon sa loob ng mahigit 16 na taon.

Nagbibigay sila ng mga pagkakataon para sa mga tao na matuto, muling matuto ng bagong kasanayan at umunlad, bukod sa iba pang mga serbisyo tulad ng suporta, paggabay, adbokasiya, digital mentoring, suporta sa wika, mga kurso, proteksyon sa karahasan sa tahanan at mga information session sa mga usapin sa pananalapi, serbisyong legal at iba pa.

Itinalaga ang Filipino OAM sa King's Birthday 2023 Honors List.

Share