'Anak ang turing ko sa kanila': Pinay driving instructor ibinahagi ang sikreto sa pagtuturo ng driving sa Tas

Dionesia Weller and her student drivers.png

Filipino driving instructor Dionesia Cedamon-Weller kasama ang kanyang mga student drivers, matapos makapasa sa practical driving exam sa Tasmania. Credit: Dionesia Weller

Ayon sa driving instructor na si Dionesia Cedamon-Weller na kilalang Inay at Aling D ng kanyang mga estudyante, nakikipag-konek ito sa mga student drivers para maging komportable hanggang sa mabuo ang tiwala isang paraan upang mas mabilis na matuto ng driving.


Key Points
  • Bago maging isang professional driving instructor si Dionesia Cedamon-Weller siya ay guro sa Pilipinas at naging isang carer sa Australia, hanggang taong 2020 itinatag niya ang DCW Driving School sa Tasmania.
  • Itinuturing na mga anak ni Aling D ang kanyang mga estudyante kahit pa mas may edad ito sa kanya para makipagkonek at mabuo ang tiwala sa bawat isa.
  • Maliban sa pagbibigay inspirasyon sa kanyang mga estudyante kababayan man o ibang lahi, tumutulong din siya sa kahit anong paraan para maging mas magaan ang pagsisimula ng mga migrants tulad ng trabaho sa Tasmania.

Share