Multikultural na komunidad sa NSW, nagkakaisa sa patuloy sa pagbibigay-tulong sa mga migrante, estudyante

FAMCA

Multicultural communities in Sydney thru the Filipino Australian and Multicultural Community Association unite to help temporary migrants and students in need Source: FAMCA as provided by Rox Molavin

Paghahanap ng mga trabaho na maaaring makapantawid sa pang-araw-araw na pangangailangan at halos linggu-linggong pagbibigay ng mga pakete ng pagkain at mga suplay - iyan ang patuloy na ginagawa ng isang grupo ng mga multikultural na Australyano sa nangangailangang mga migrante.


Naging tuloy-tuloy ang ginagawang pagtulong ng Filipino Australian and Multicultural Community Association (FAMCA) sa mga temporary migrant at mga international students na labis na naapektuhan ng mga limistasyon kaugnay ng kasalukuyang pandemya.

"Meron kaming mga partners,  advisers, mga individuals na nagre-refer sa aming mga estudyante to work somewhere, at meron kaming mga estudyante na nagwo-work na ngayon," masayang pagbabahagi ni  Grace Liston, pangulo ng FAMCA.


Mga highlight

  • Mahalaga ang pagtulong sa kapwa lalo na ngayon para malampasan ang epekto ng pandemya.
  • Paghahanap ng trabaho at mapagkakakitaan ay isang paraan upang makaraos sa araw-araw lalo na 'yung mga nahihirapang mga migrante at estudyante.
  • Nakikipagtulungan ang grupong Filipino Australian and Multicultural Community Association sa iba't ibang ahensya at pribadong mga indibidwal para patuloy na makapag-abot ng tulong sa mga nangangailangan.

"Hindi kami nagko-concentrate lang doon sa pamimigay ng mga food packs, kung ano po ang mga kailangan kunwari nung winter, namigay kami ng winter clothes, mga damit at sapatos o kung ano ang meron kami na ibinibigay din ng mga taong gustong tumulong," dagdag pa ni Gng Liston. 

Sa tulong ng mga pribadong indibidwal, mga lokal na negosyo at ahensya sa Sydney, patuloy ang ginagawang pagtulong ng FAMCA sa mga nangangailangan lalo na sa mga temporary migrants at mga international students.
Filipino Australian and Multicultural Community Association
FAMCA organised a free migration and job option seminar for international students in the middle of the pandemic. Source: Filipino Australian and Multicultural Community Association Facebook
"Itong mga private individuals na ito they would not rather be mentioned, pero meron kaming mga estudyante na nagwo-work na ngayon. Meron din kaming mga partner agency na nagbibigay ng referral sa mga company na pwedeng mapasukan ng mga estudyante," lahad ng pangulo ng FAMCA.

Sa unang bahagi ng pagbibigay-tuloy sa mga estudyante, inayos ng grupo ang pagsasagawa ng mga libreng seminar kaugnay ng migrasyon at trabaho para sa mga international students

"May mga lumapit sa amin na mga ahensya tulad ng isang migration agency, na gustong makatulong, at nagbigay sila ng libreng seminar para sa mga international students na tinutulungan namin," kwento naman ng Vice-President ng FAMCA na si Rox Molavin.
Filipino Australian and Multicultural Community Association
Filipino Australian and Multicultural Community Association's food pack distribution Source: FAMCA as provided by Rox Molavin
Layunin ng grupo na maipagpatuloy ang kanilang ginagawa at nagpapasalamat din sa mga tao, mga negosyo at ibang grupo na nagbibigay din sa kanila ng suporta para makatulong sa mga nangangailangan.

Bukod sa mga kasaping Pilipino, ang FAMCA ay binubuo rin ng mga miyembro na mula sa komunidad Korean, Vietnamese at iba pa.

BASAHIN DIN / PAKINGGAN

Share