Key Points
- Inanunsyo ng Department of Home Affairs na simula sa Enero 1, 2025, ang mga aplikante para sa student visa na nag-a-apply mula sa loob ng Australia ay kailangang magbigay ng Confirmation of Enrolment (CoE) sa oras ng aplikasyon.
- Ang application fee para sa student visa ay nasa AUD 1,600, na tumaas kumpara sa mga nakaraang taon.
- Ipinapayo ng mga migration experts na siguraduhing mag-research ng mabuti tungkol sa iyong paaralan at kurso.
Inanunsyo ng gobyerno ng Australia na magkakaroon ng cap sa bilang ng mga international student enrolments, na ipapatupad ngayong taon.
Para paghandaan ang aplikasyon ng student visa, nagbahagi ng payo at kaalaman si Andreas Martano, isang registerered migration agent na may karanasan sa loob ng 25 taon at si Am Milan ng Progress Study.
PAKINGGAN ANG PODCAST
Ano ang mga pagbabago sa aplikasyon ng Student Visa ngayong 2025
SBS Filipino
18/02/202512:12
Ayon Department of Home Affairs, mula sa Enero 1, 2025, ang mga aplikante ng student visa na nasa Australia ay kailangang magbigay ng Confirmation of Enrolment (CoE) sa oras ng aplikasyon ng kanilang visa. Hindi na tatanggapin ang Letter of Offer mula sa mga educational providers bilang patunay ng kursong balak pag-aralan.
Kung hindi makapagbigay ng CoE, mawawalan ng bisa ang aplikasyon. Para sa mga estudyanteng hindi makakakuha ng CoE bago mag-expire ang kanilang visa, kailangan nilang umalis ng Australia o maghanap ng ibang visa options.
Paunawa: Ang pangkalahatang paliwanag at impormasyon sa podcast na ito ay gabay lamang. Para sa dagdag na impormasyon at payo na naayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa isang career o registered migration expert sa Australia.