'Hindi automatic sa mama mapupunta': Paano ang pagkuha ng kustodiya at sustento para sa anak kung maghiwalay ang mag-asawa sa Australia?

Composite image of a family, court and Lawyer Jesil Cajes

Composite image of a family, court, and Family Lawyer Jesil Cajes

Sa Australia, ang kustodiya at sustento para sa anak ay tinatalakay ng Family Law Act 1975. Kapag naghiwalay ang mag-asawa, ang mga magulang ay kailangang magtulungan upang matiyak ang kapakanan ng kanilang anak. Narito ang paliwanag ng Family lawyer na si Jesil Cajes.


Key Points
  • Sa lahat ng desisyon ukol sa parenting arrangement o kustodiya ng anak, ang kapakanan ng bata ang pangunahing konsiderasyon ng korte.
  • Paliwanag ni Atty Cajes, hindi awtomatikong napupunta sa nanay ang kustodiya o living arrangement ng anak dahil ang desisyon ay batay sa kaligtasan, mga pangangailangan ng bata, relasyon ng bata sa magulang at ang kakayahan ng magulang na magbigay ng suporta para sa kapakanan ng bata.
  • May ilang paraan kung paano ibinibigay ang sustento o child support para sa anak pagkatapos ng paghihiwalay ng mga magulang. Kung hindi magkasundo ang mga magulang, maaaring humingi ng tulong sa Services Australia upang magtakda ng halaga ng sustento.
Pakinggan ang Podcast
PANO BA CHILD CUSTODY image

'Hindi automatic sa mama mapupunta': Paano ang pagkuha ng kustodiya at sustento para sa anak kung maghiwalay ang mag-asawa sa Australia?

SBS Filipino

25/03/202513:45
Paunawa: Ang pangkalahatang paliwanag at impormasyon sa podcast na ito ay gabay lamang. Para sa dagdag na impormasyon at payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa isang legal practitioner sa Australia.


📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on and and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit or stream on , , , and

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on and .

Share