Supporters at mga kritiko ni dating Pangulong Duterte nagsagawa ng protesta sa iba't ibang bahagi ng Australia

Nagdaos ng magkahiwalay na protesta ang mga tagasuporta at mga bumabatikos kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Australia sa gitna nang pagkakaaresto nito sa International Criminal Court (ICC).

Supporters and anti-supporters of former President Rodrigo Duterte staged separate protests across Australia.

Supporters (top photos) and anti-supporters (bottom photos) of former President Rodrigo Duterte staged separate protests across Australia. Credit: Rado Gatchalian / Bayan Australia

Key Points
  • Nasa kustodiya pa din ng International Criminal Court o ICC si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kaso kaugnay sa war on drugs campaign.
  • Nagsagawa ng magkakahiwalay na pagtitipon ang mga taga-suporta ng dating pangulo sa malalaking lungsod at ibang regional area sa Australia.
  • Nagdaos din ang ilang militanteng grupo sa pangunguna ng Bayan Australia ng protesta para managot si Duterte sa mga kasong kinakaharap nito.
PAKINGGAN ANG ULAT:
Balita 24032025 image

Mga balita ngayong ika-24 ng Marso 2025

SBS Filipino

24/03/202505:54
Nagtipon-tipon ang mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa iba’t ibang bahagi ng Australia. Ayon kay Rado Gatchalian ng social media page na Duterte Down Under, mahigit 2,000 katao ang dumalo nitong ika-23 ng Marso pagtitipon sa Parliament House sa Melbourne.

Nagpakita rin ng suporta ang ilang Pilipino sa Queensland, partikular sa Brisbane, Bundaberg at Caboolture. Nauna nang nagsagawa ng pagtitpon ang mga tagasuporta ni Duterte sa Perth at Adelaide nitong ika-22 ng Marso habang sa Darwin at Sydney noong ika-16 ng Marso.
23 March 2025 - Supporters of former President Rodrigo Duterte gathered at the Parliament House Garden in Melbourne, Australia.
23 March 2025 - Supporters of former President Rodrigo Duterte gathered at the Parliament House Garden in Melbourne, Australia. Credit: Em Tanag / Rado Gatchalian
Ayon kay Rado Gatchalian, na isa sa mga nag-oorganisa, layon ng mga pagtitipon na kondenahin ang naging pag-aresto sa dating pangulo na ngayon ay nasa kustodiya ng International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.

"Nais naming ipadama ang patuloy na suporta at pagmamahal kay dating Pangulong Duterte gayundin upang ikondena ang sa paniniwala naming hindi makatarungan pagsuko sa ICC ng dating Pangulo, at hatulan siya ng banyagang hukom, samantalang gumagana pa naman ang judicial system sa ating sariling bansa."
Supporters of former President Rodrigo Duterte gathered in Perth, Brisbane, Adelaide and Sydney.
Supporters of former President Rodrigo Duterte gathered in Perth, Brisbane, Adelaide and Sydney. Credit: Rado Gatchalian / Oscar Vinoya


Ayon sa ICC, nahararap ang 79-anyos na si Duterte sa kasong murder bilang kaugnay ng kampanya nito laban sa iligal na droga.

Nang matanong naman si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa isang press conference kasunod ng mga panawagan ng people power ng mga taga-suporta ni dating Pangulong Duterte, sinabi nitong ginagawa niya lang ang kanyang trabaho.

"Again, the government is just doing its job. Wala namang (personalan), it’s not because it’s one person or another that we do the things that we do," saad nito.
23 March 2025 - Various progressive and militant Filipino groups, along with solidarity allies, protested in Melbourne to demand the full conviction of former President Rodrigo Duterte in the ICC.
23 March 2025 - Various progressive and militant Filipino groups, along with solidarity allies, protested in Melbourne to demand the full conviction of former President Rodrigo Duterte in the ICC. Credit: Bayan Australia / Anakbayan Melbourne
Samantala, nagsagawa naman ng protesta ang ilang progresibo at militanteng grupo sa pangunguna ng Bayan Australia sa Melbourne. Nag-martsa mula Flinders Street Station hanggang sa State Library ang mga nag-rally upang ipanawagan ang hustisya para sa mga biktima ng EJK at panagutin si dating Pangulong Duterte sa mga kasong inihain laban sa kanya.

Bukod dito, nanawagan din sila singilin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga umano'y karahasan sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Sa inilabas na pahayag ng Bayan Australia, sinabi nitong "ikinagagalak nila ang matagal nang hinintay na pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ng International Criminal Court (ICC). Ang kanyang pag-aresto ay isang mahalagang hakbang tungo sa hustisya para sa libu-libong biktima ng kanyang madugong War on Drugs at pampulitikang pagpaslang."

Dagdag pa sa pahayag na "bagamat nalulungkot ang grupo na hindi nausig si Duterte sa ilalim ng batas ng Pilipinas, ipinapakita lamang nito ang umano'y bulok na sistemang pangkatarungan na patuloy na bumibigo sa sambayanang Pilipino."


📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on and and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily. 

📲 Catch up episodes and stories – Visit or stream on , , , and  

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on and .

Share
Published 24 March 2025 7:05pm
Updated 24 March 2025 9:47pm
By TJ Correa
Source: SBS

Share this with family and friends