Key Points
- Ayon kay Family Law Expert Atty. Jesil Cajes, isang mahalagang requirement upang makapag-file ng divorce sa Australia ang 12-buwang paghihiwalay. Sa ilalim ng sistema ng "no-fault" divorce, hindi na kailangang patunayan ng alinmang partido na may kasalanan ang isa sa pagkasira ng kanilang relasyon.
- Kahit na ang isang Pilipino ay nag-file divorce sa Australia, ang naunang kasal sa Pilipinas ay mananatiling valid maliban na lang kung magkakaroon ng annulment.
- Maaring muling magpakasal ang isang Pilipino habang nasa Australia kung mayroon silang Divorce Order pero hindi maaring gawin ang kasal sa Pilipinas. Kailangan kumuha ng recognition of foreign divorce mula sa korte ng Pilipinas bago maikasal doon.
LISTEN TO THE PODCAST

Can you get divorced in Australia if you were married in the Philippines?
SBS Filipino
04/03/202513:45
Paunawa: Ang pangkalahatang paliwanag at impormasyon sa podcast na ito ay gabay lamang. Para sa dagdag na impormasyon at payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa isang legal practitioner sa Australia.