Pakinggan ang audio
LISTEN TO

Are you recycling correctly? How you can play your part for the planet
SBS Filipino
09:14
Batid ng buong bansa ang kahalagahan ng recycling, subalit marami pa din ang nalilito kung ano ang maaring i-recycle at hindi, yan ay ayon kay Pip Kiernan ang pinuno ng Clean up Australia.
Highlights
- Wish-cycling ang pangunahing sanhi ng kontaminasyon
- Ang recyclables ay kayamanan
- Reuse at repurpose para sa mas maayos na kapaligiran
“Lumabas sa isang pag-aaral na 89% ng mga Australian ay naniniwalang mahalaga ang recycling, pero 1 sa 3 lang ang gumagawa ng tama sa pagre-recycle kaya marami pa dapat gawin."
Dahil ang paglalagay ng maling basura sa recycling bin o kaya ang pagbalot nito ng plastic ay nagiging dahilan ng kontaminasyon sa lahat ng recyclables na inilagay sa loob ng basurahan.
Sa halip na maisalba ito, sa landfill sila itinatapon.
Lumabas sa isang pag-aaral na maraming tao ang naglalagay ng basura sa recycling bin, na hindi naman segurado na ito ay maaaring i-recycle o magagamit muli.
Tinatawag ito na “wish-cycling” at ito ang pangunahing sanhi ng kontaminasyon.
Ang karaniwang mali na ginagawa natin ay iniisip natin na ang bagay na ito ay maaaring i-recycle, kaya ilalagay natin sa recycle bins. Katulad ng tissues, kitchen towels, tela, diapers, mga baterya at ito ay mapanganib at nagdudulot ng kontaminasyon sa buong trak ng recyclables.
Ang nararapat sanang gawin ng bawat residente ay suriin muna ang bawat local council kung ano ang maaaring i-recycle sa inyong lugar.
Dahil hindi lang sa bawat teritoryo o estado ang may iba’t- ibang alituntunin sa recycling, kasama din ang local council.
Dahilan upang nagiging isang malaking hamon ang pagtuturo sa mga residente tungkol sa recycling sa buong bansa.
BASAHIN/PAKINGGAN ANG AUDIO