Australia Explained: Alamin ang kwento sa likod ng mga sikat na pagkain sa Australia

Pavlova one of the most famous Australian desserts. Source: Getty Images Attila Csaszar

Source: Getty Images/Attila Csaszar

Natikman mo na ba ang karne ng kangaroo o kaya ang malinamnam na uod na witchetty grub? Ano ang paborito mong Aussie dessert? Sa episode na ito ng Australia Explained, tatalakayin natin ang ilan sa pagkaing tatak Australian.


Bagong dating ka man sa Australia o  pinapakilala mo sa bisita ang Australian food, ang bansang Australia ay may maraming kakaibang maiaalok.

Sa ikalawang episode ng Australia Explained podcast, ipapakita namin ang pinakasikat at kakaibang pagkain sa Australia.

Pakinggan ang podcast:
LISTEN TO
Australia Explained: The stories behind Australia's most iconic foods  image

Australia Explained: Alamin ang kwento sa likod ng mga sikat na pagkain sa Australia

SBS Filipino

29:52

Highlights

  • Ang Pavlova ay isa sa pinakasikat na dessert sa Australia.
  • Taon-taon ipinagdiriwang ang Special Lamington National Cake Day kada 21 ng Hulyo, at Vegemite ay higit 90 taon ng nagbibigay ng kakaibang kombinasyon ng lasa sa tea time ng mga Australians.
  • Ang karne ng kangaroo ay magandang alternatibo na red meat, habang ang uod na Witchetty Grub ay puno ng sustansya at  meat pies ay tinaguriang comfort food ng bawat pamilya sa Australia.

Ang Weetbix ay binansagang paboritong pagkain sa almusal sa panahon ng Great Depression noong 1929. Kasama din ito sa pagkaing rasyon ng mga sundalo sa panahon ng World War II. At ngayon,  tinagurian itong opisyal na almusal ng mga batang Australians.

Maliban sa  pabaoritong gawin ng mga bata ang Tim Tam slam, ang choclolate biscuit na ito ay ipinangalan sa isang kampeon sa racehorse na si Tim Tam. At umarangkada ito sa pamilihan sa  noon pang 1964.

Pakinggan ang lahat ng episode ng Australia Explained sa pamamagitan ng , o .

Ang Australia Explained ay orihinal na nilikha ni Maram Ismail para sa .

 

 


Share